Chapter 30

586 20 3
                                        

Beleza

Pupuntahan ko na sana si Allerick sa penthouse nila Davin at Artemis nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot-noo ako nang makitang hindi registered number ang tumatawag. In spite of it, I still answer the call.

"Beleza Quirino," bulong ng lalaki sa kabilang linya. Hindi pamilyar sa akin ang boses niya.

"Excuse me? Pwede po bang malaman ko kung sino ang kausap ko ngayon?"

"Hindi mo pa ako kilala, pero malalaman mo rin ang koneksiyon nating dalawa.".Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Sino ba 'to at parang ang lakas ng trip?

"Sorry, mister, but I don't know you. If this is some sort of a scam, you can now leave me dahil wala kang mapapala sa akin."

"Check your email. I sent something interesting." After that, he ends the call.

Kahit nagtataka ay binuksan ko nga ang email ko. There's a mail from anonymous sender, so I immediately open it. I gasp when I see the clip of the mail. Kulang na lang ay mabitawan ko ang cellphone ko.

Ano ang nangyayari?

Bakit picture ko ito na natutulog na tanging bra at panty lang ang suot ko? I examine the pictures with shaky hands. Hindi ako maaaring magkamali. Ako nga ito. This was me several years back. Pero saang lupalop 'to? Then memories come rushing fast. Nagiging malinaw na sa akin.

These pictures were taken inside the private room of the bar that I will never forget. Dito nangyari ang lahat. Ang lahat sa amin ni Buendavid. Dito nabuo si Allerick..Pero bakit isang hindi kilalang lalaki ang nag-send sa akin nito?

Sa gitna ng panlulumo ko ay biglang tumawag ulit ang number. Agad ko itong sinagot.

"S-sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin?"

"Let us meet up right now. Go to the address that I sent you. I'll be waiting there."

"At kung hindi ako pumunta?"

"I will post your pictures online. Makikita ito ng lahat dahil mayroon akong koneksiyon sa matataas na tao."

I am about to shout at him when he ends the call already. I open the new mail that he sent me and it's an address to a certain coffee shop.

Gulong-gulo na ako sa kaganapan pero nakuha ko pa ring mag-ayos nang madalian. Kinuha ko lang ang bag ko at mabilis na lumabas ng penthouse. I texted Artemis to look after my son because I have to visit Jade. That's the best excuse I can give.

Mabilis akong nakalabas ng Golden Zenith at eksakto namang may dumaang taxi kaya sumakay ako agad. I give him the address and tell the driver to drive fast. Halos thirty minutes ang naging biyahe bago namin narating ang address. Kinalma ko muna ang sarili ko habang napapatingin sa labas.

"Ma'am, nandito na po tayo," pag-iimporma ng driver nang maramdaman niyang wala pa akong balak na bumaba.

"Okay."

Lumabas na ako at kahit nanginginig ang tuhod ko ay sinubukan kong maging matatag. I know that the unknown caller is already here, or eyeing me already, so I have to look brave and unbothered. The more na makita niya akong nanlulumo ay mas aabusuhin niya ako.

Pumasok na ako sa coffee shop at pasimpleng napatingin sa paligid. Kaunti lang ang costumer kaya agad kong napansin ang lalaki sa dulo na biglang nagtaas ng kamay. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Dahil mukhang siya na nga ang unknown caller ay dahan-dahan kong pinuntahan ang table niya. I try my best to compose myself.

Pumunta ako sa harapan niya. Sa wakas ay nakita ko na ang mukha niya. Contrary to what I'm expecting, he looks well, surprisingly. Maayos ang tabas ng kanyang buhok at maamo ang kanyang mukha. Maputi ang kanyang kutis at sa unang tingin pa lang ay halatang mayaman siya.

Bitter Sweet and StrangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon