Beleza
Malamig ang simoy ng hangin at dahil sa katahimikan ng buong paligid, rinig ko ang ihip nito. My chest feels heavy and my eyes are tired. I just stand still for several minutes, looking at the thing on the ground.
Napaluhod si Henrick sa lapida ng totoong anak namin na pinangalanan nilang... John Alexon Lao.
"K-kung hindi lang sana ako naaksidente... babalikan ko sana ang mama mo. We could've become a complete family. Hindi mo sana naranasan ang mapait mong kapalaran. I'm deeply, truly sorry, young man."
My heart crashes with his. Again, the tears that I try to hold back, come rushing out. Pakiramdam ko ay wala akong kuwentang ina. Bakit ba kasi nangyayari ito sa amin? For many years, I didn't know such thing. All I thought was, Allerick was the baby that I gave birth to.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Buendavid kaya napasandal ako sa balikat niya. Pagod na pagod na ako. Masyadong nakakapanghina ang araw na ito. Pinahid ko ang luha ko pero wala pa rin itong tigil sa pag-agos.
Gusto kong panagutin ang may kagagawan ng lahat ng ito. Wala siyang awa. Naturingan pa sana siyang professional pero kabaliktaran ang ginagawa niya. He should rot in hell for what he did out of his selfish and shitty reason.
Sa bandang huli ay napaluhod din ako katabi ni Henrick. Dinama ng aking kamay ang malamig na marmol at humagulhol nang malakas. Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko ngayon. Parang... gusto ko munang mawala.
"I'm sorry," I whisper between my sobs. Bunedavid puts the bouquet beside the tomb and lights a candle.
"I don't have personal connection with you, but I hope that your soul may rest in peace in the paradise that you deserve. The world became too cruel for you, and you didn't deserve it," Buendavid says.
Napatingin ako kay Henrick na ngayon ay umiiyak pa rin. Hindi ko maiwasang maisip kung gaano kami pinaglaruan ng tadhana.
Simula sa baby switching na naganap, sa pagkikita namin ni Buendavid at nalaman niyang anak niya si Allerick, hanggang sa biglaang pagsulpot ni Henrick na nag-ungkat ng katotohanan. Para bang matagal na itong planado ng kapalaran para sa amin kaya wala na kaming kawala.
Nakakapagod. Napakasakit.
...
Buendavid offers me the phone. "Allerick wants to talk to you."
I hesitantly look at it, but in the end, I still answer the video call. Napangiti ako nang bumungad agad sa akin ang mukha ni Allerick. Napawi nang kaunti ang bigat na dinadala ko. I love him beyond doubt.
"Mama? Why are your eyes so red?"
Napatawa ako at yumuko muna upang pahirin ang luhang kumawala na naman. Nakalimutan kong madali pala siyang makapansin ng bagay-bagay at panigurado ay palagi siyang may kasunod na tanong.
"I'm fine, baby. Napagod lang si mama sa biyahe. Ayos ka lang ba riyan?"
"Opo, mama. Uncle Davin is taking care of me. Auntie Artemis too. Sabi ni Uncle gusto niya raw katulad ko ang magiging anak nila ni Auntie."
"Sinabi 'yun ni Davin?" tanong naman ni Artemis sa anak ko.
"Opo."
Napangiti na lang ako habang napatitig kay Allerick. Hindi ko lubusang maisip na hindi pala ako ang tunay niyang ina. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin ang katotohanan ng pagkatao niya.
"I miss you, baby. Uuwi agad kami bukas after ang appointment namin. Huwag kang masyadong makulit diyan ha?"
"Opo, mama. And I miss you din po. Nasaan ba kayo ngayon?"
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet and Strange
RomansaCrazy Rich Circle II : Bitter Sweet and Strange "Even birds with broken wings still find a way to sing." Beleza Quirino, a woman weighed down by life's disappointments, never imagined she'd end up as the personal assistant to the infamous "beast bos...
