Hindi mapakali si Beleza, lalo pa't siya na ang susunod na kakapanayamin ng CEO mismo ng kompanyang kanyang in-aplly-an. Halos mawalan ng lakas ang kanyang tuhod nang lumabas na ng opisina ang isang interviewee.
"Next," utos ng lalaking boses sa pamamagitan ng intercom. Kahit kinakabahan siya nang husto ay agad siyang napatayo at inayos nang bahagya ang kanyang postura.
This is it.
Marahan niyang binuksan ang itim na pintuan at dinala na ang kanyang sarili papasok ng opisina. Kahit natatabunan siya ng kaba, hindi niya maiwasang mamangha sa gara ng opisina.
Hindi ito isang simpleng opisina lang, maihahalintulad na ito sa isang luxurious hotel room. Kompleto ang pangunahing kagamitan at kapansin-pansin ang malaking bookshelf sa gilid at ang kumikinang na chandelier sa itaas.
Sa gitna ay naka-upo ang CEO ng kompanya na kasalukuyang kinakalikot ang kanyang tablet. Kahit prenteng naka-upo lang ito, sumisigaw ang kanyang kabuoan ng kakisigan at kagwapuhan.
Agad na umupo si Beleza sa bakanteng cushion chair paharap sa binata.
"I usually don't check the applicant's paper. So, where did you graduate?"
Napalunok si Beleza sa biglaang tanong ng CEO. Na-mental block siya agad. Hindi niya kasi inaakalang ito agad ang itatanong sa kanya.
Diba dapat ay pormal muna akong magpakilala?
Ilang araw niya kasing pinaghandaan ang interview na iyon. Pero ang lahat ng kanyang paghahanda ay tuluyang nawasak sa isang simpleng hindi inaasahang unang tanong.
"Are you deaf?"
Napaayos ng upo si Beleza dahil sa pahayag ng kanyang kaharap. Mabuti na lang ay hindi pa ito humaharap sa kanya, kundi ay makikita nito kung paano mamutla ang dalaga.
"U-uhm, sorry, sir. But actually sir, I'm just an undergraduate of BS Accountancy at the University of the Philippines. But, sir, I can guarantee you that I can perform my job satisfactorily."
"Okay. Your interview is done. You can go out now."
"Sir?"
Hindi niya maiwasang magulat sa kung paano dumaloy ang kanyang interview, o kung interview ba talagang maituturing iyon.
"Next."
Napatayo na lang si Beleza dahil tuluyan nang pumasok ang kasunod sa kanya. Lumabas siya ng opisina na lutang at hindi makapaniwala sa nangyari.
Iyon na 'yon?
Matatanggap niya sana kahit hindi siya ang makuhang secretary nito, kung in-interview naman sana siya nang tama. Pero hindi. Natapos ang kanyang interview sa isang tanong lang, at hindi man lang nga siya tinapunan ng tingin ng CEO kahit isang segundo.
Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa pait na naramdaman. Kailangan niya ng trabaho, at ito na ang panghuling kompanya sa kanyang listahan.
Siguro nga ay napakahirap talagang makakuha ng trabaho basta undergraduate ka. Lalo na sa kompanyang tulad nito. Pero kahit papaano ay nagsumikap pa rin siya at umasa. Hindi masamang sumubok, 'ika nga.
Ngunit ngayon ay nagsisisi na siya na sinubukan niya pang magpa-interview. Sana ay hindi na lang siya sumubok, sana hindi na lang niya ito pinaghandan.
Wala sa sarili siyang napasandal sa pader. Hindi niya inaasahang mapapaluha siya nang bahagya. Napatingala siya sa ceiling upang pigilin ang mga luhang nagbabadya pang tumulo.
Imbis na sumakay siya ng elavator, mas pinili niyang bumaba ng building sa pamamagitan ng emergency staircaise. At doon ay malaya niyang nailabas ang sakit at panghihinayang na kanyang nararamdaman.
Muli, ay nabigo na naman siya.
She is Beleza E. Quirino.
And destiny is too ugly and cruel to her, exact opposite to how beautiful she is inside out.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet and Strange
RomanceCrazy Rich Circle II : Bitter Sweet and Strange "Even birds with broken wings still find a way to sing." Beleza Quirino, a woman weighed down by life's disappointments, never imagined she'd end up as the personal assistant to the infamous "beast bos...
