Beleza
"I'm really sorry, Bel. Hindi ko naman kasi inaasahang lalantakan ni Allerick ang garapon ng marshmallows. It's my fault," halos mangiyak na pahayag ni Jade sa kabilang linya.
Pagkatapos ko kasing ma-isubmit ang aking Resignation Letter kahapon ay napagdesisyunan kong uminom mag-isa. Naparami ang nainom ko kaya hanggang ngayon ay may hangover pa rin ako. Kaninang umaga ay pinakiusapan ko na lang si Jade na sa kanya na muna si Allerick. Gusto ko kasing matulog buong maghapon.
But this happened suddenly.
Napabuntong-hininga ako.
"Jade, walang may gusto sa nangyari. And besides, maayos na si Allerick. Nakatulog siya at pwedeng na siyang i-discharge pagkagising niya. At kailan ka pa ba na-addict sa marshmallow?"
"Lately lang. Anyway, it's a good thing na ayos na siya, hindi na kasi ako mapakali dito. Pero, teka nga lang, 'yung sumundo sa'yo kanina, ang boss mo ba 'yun? Mukhang pamilyar ang mukha niya ha."
"Hindi niya ako sinundo. Hindi ko nga rin alam kung bakit nakarating siya sa atin. Siya ay walang iba kundi si Sir Buendavid Villasuarez IV."
Narinig kong napasinghap siya sa kabilang linya. Halatang nagulat siya. Hindi ko kasi sinabi sa kanya ang tungkol sa pagkatao ni sir. Ang alam niya lang ay nagtatrabaho ako sa isang malaking kompanya.
"V-illasu-are-z? Yung mayamang pamilya?"
"Oo."
"Oh my god! Bel, sunggaban mo na! Go! Go! Baka siya na ang sagot." Napaismid ako sa kanyang sinabi.
"Here." Napatingin ako sa glass table nang may lumapag ng take-out snacks. Napalingon ako sa gilid at nakita ko si Sir Buendavid. Umupo rin siya agad sa kaharap kong couch. Pinalabas niya rin ang dalawang nurse na nagbabantay.
"Sige na, Jade. Tatawagan na lang kita mamaya."
Dahil kumakalam na ang aking tiyan, hindi na ako nagdalawang-isip na kainin ang mga dala ni Sir Buendavid. Napangiti naman ako nang bahagya nang sinamahan niya pa talaga ito ng bottled milk.
"Ms. Quirino." Napatingin ako bigla sa kanya. Napalunok ako nang makitang seryoso ang kanyang mukha. "I'm still confused. I want to clear things up. Is he really your son? Like biologically?"
Hindi na ako magtataka kung bakit mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kanina. Sino ba kasing mag-aakala na may anak na ako?
Inilapag ko ang bottled milk.
"Sir Buendavid, I'm telling you the truth. He's my son. Galing siya mismo sa sinampupunan ko." Napatulala siya at napakamot sa kanyang noo.
Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari sa amin kahapon. Kung hindi lang sa nangyari kay Allerick ay hindi ko na talaga siya papansinin pa. Don't get the idea wrong, nagpapasalamat pa rin ako na dumating siya kanina.
It's just that, I don't want to associate myself with him any longer. That's the main reason why I decided to resign, this is all wrong from the very start. Sana hindi ko na lang tinanggap ang offer ni Ma'am Arkanson noon.
Gusto ko ring tumigil na siya sa pakikipaglaro sa akin, kaya inamin ko na sa kanya ang katotohanan tungkol kay Allerick. Kung ito ang magpapatigil sa kanya, then I'm more willing to tell him the truth.
"You mean, noong Martes, diba may katawagan ka sa cellphone? Siya ba yung tinawag mong baby?"
Napakunot ang noo ko. Anong gusto niyang sabihin? Napaisip tuloy ako at naalala ko nga ang pangyayari. Tumawag noon sa akin si Jade at ipinaalam sa akin na hinatid ni mama si Allerick sa apartment. Kinausap ko rin ang anak ko noon. Pero, bakit inuusia ako ngayon ni sir tungkol dito?
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet and Strange
RomansaCrazy Rich Circle II : Bitter Sweet and Strange "Even birds with broken wings still find a way to sing." Beleza Quirino, a woman weighed down by life's disappointments, never imagined she'd end up as the personal assistant to the infamous "beast bos...
