Beleza
Just like what we agreed upon yesterday, we are now leaving for Manila. Once again, I check our luggage carefully, dahil baka may nakalimutan kami. We're already waiting for the vehicle that will bring us to the airport.
"Bakit ba ang tagal ng lalaking 'yun?" reklamo ni Buendavid habang tinatawagan pa rin ang pinsan niyang si Jaxon.
"Mamalola, I will miss you po agad. Same with Papalolo," malambing na wika ni Allerick.
"Mami-miss ka rin namin, apo. Kung wala lang kaming kailangan gawin dito ay sasama kami sa inyo," sagot naman ni mama.
"Mag-ingat kayong lahat. Sabihan niyo kami kung nakarating na kayo," bilin ni papa.
"Sige, pa."
"Buendavid, maraming salamat ulit sa donation mo sa barangay. Napakalaking halaga 'yun kaya sisiguraduhin kong mapupunta 'yun sa may katuturang bagay."
Napakunot-noo ako sa narinig ko kay mama. Napatingin ako kay Buendavid nang nagtataka.
"Anong donation ang tinutukoy ni mama?"
"Ito kasing si Buendavid, nag-donate para sa pagpapaayos ng tree house. Diba nasabi ko na sa'yo na nasira ang katre doon? Ngayon maipapaayos na namin pati ang kabuoan ng park."
Napalunok ako ng hangin. Napatawa ako nang alanganin. Assessing the matter, hindi donation ang tawag sa ginawa ni Buendavid. Pagbabayad ang tamang term. Siya, kami, kasi ang nakasira.
Naagaw ang atensiyon naming lahat ng kotseng napakabilis ang andar. Napasinghap ako nang tumigil ito nang biglaan sa aming harapan. Naglikha pa ito ng kaunting usok.
"Buendavid, diyan ba tayo sasakay? Parang lasing naman ang driver. Tandaan mo, sakay natin si Allerick."
Buendavid just smiles at me and grabs me closer to him. He is now carrying Allerick on his other arm. Hindi ba siya nangangawit? Medyo mabigat na si Allerick at palagi niya itong karga. Sabagay, maskulado naman siya kaya parang papel lang si Allerick kung buhatin niya.
"Don't worry, pagsasabihan ko ang lalaking ito."
Pagkasabi niya no'n ay eksaktong pagbukas ng pinto ng kotse. Lumabas ang isang matangkad na lalaki. Naka-sando lang siya kaya kitang-kita ko ang matipuno niyang mga braso at ang tumitingkad niyang tattoo. Pinasadahan ko siya ng tingin at napagtanto kong puno ng black tattoo ang katawan niya.
"Tito Jaxon!" Allerick exclaims as if they've known each other well.
"Ang matabil na bata. Kumusta, Allerick? At ang babaing ito ay obviously si Beleza.".Kung makaasta siya ay parang hindi niya kami minanmanan ng ilang araw.
"Shut up." Buendavid glares at him. "Ipasok mo na lahat ng dala namin."
"Hanep! Anong akala mo sa akin? Alalay mo? Mayaman din ako!" Sa paraan pa lang ng pagsasalita niya ay alam kong barumbado na ang isang 'to.
"Gusto mo bang sabihin ko kay Tita Aryana na umutang ka sa akin kasi natalo ka sa sugal?"
"Ito naman si Buendavid, hindi na mabiro. Oo na, ipapasok ko na." Nagsimula na siyang ipasok ang mga gamit namin. Mabuti naman at tinulungan siya ni papa.
Nagpaalam lang kami ulit kay mama at tsaka pumasok na sa kotse. Napapagitnaan namin ni Buendavid si Allerick na abala sa panonood ng movie sa tablet na bigay ng papa niya.
"So, that's Jaxon. Siya ang ipinadala mo rito para manmanan kami."
Napatawa si Buendavid. "That's right. Anak siya ni Uncle Dennis, 'yung doctor na umasikaso noon kay Allerick."

BINABASA MO ANG
Bitter Sweet and Strange
RomansCrazy Rich Circle II : Bitter Sweet and Strange "Even birds with broken wings still find a way to sing." Beleza Quirino, a woman weighed down by life's disappointments, never imagined she'd end up as the personal assistant to the infamous "beast bos...