Chapter 24

617 35 0
                                        

Beleza

Dahil sa sinag ng araw ay napamulat ako. Bakit ba kasi nakalimutan kong ayusin ang kurtina kahapon? Tinignan ko ang wall clock at nalamang alas otso pa lang. When I look at the other side of the bed, Buendavid is no longer there. Kakaiba talaga ang lalaking 'yon, napakaaga kung gumising. Napatakip ako ng kumot nang bigla kong maalala ang nangyari kagabi... sa tree house.

Ngayon lang ako natamaan ng hiya.

We went home right after the rain stopped. Si papa na lang ang gising pagdating namin. Si Allerick ay nakatulog na sa kuwarto nila sa kahihintay sa amin. At dahil kaming dalawa lang ni Buendavid sa silid, ilang beses niya akong tinukso para sa continuation. Pero dahil pagod na ako ay wala siyang nagawa kundi ang matulog na lang din. Natulog kami na magkayakap sa isa't isa pero nagising ako nang mag-isa na lang.

Tumayo na ako at nagligpit ng higaan. Nang lumabas ako ng silid ay agad kong hinahap si Buendavid at nakita ko siya sa bench na nasa bakuran. May kausap siya sa cellphone. And judging from his gestures, the topic is not great. Maybe it's all about the problems in VS that he mentioned before. I still have no idea about the details, but there is something that feels so off.

Pumunta na muna ako sa mini-lavatory at inayos ang aking sarili. Habang nag-totoothbrush ay narinig ko si mama na may kausap din sa cellphone. Napapalakas ang boses niya at halatang galit. Ano na naman kaya ang problema?

"Ano 'yon ma? May problema ba?" tanong ko matapos ang tawag.

"E paano ba naman kasi, ang katre sa tree house ay sinira ng mga hinayupak na nilalang na walang pagpapahalaga! Hindi pa nga tapos ang park ay napagdidiskitahan na nila ito!"

Napa-ubo dahil sa sinabi niya. Alam ko na ang tinutukoy niyang katre ay ang nasira namin ni Buendavid kagabi. Wala siyang ideya na nasa harap niya, sariling anak niya, ang sumira n'on.

"H-hindi naman siguro sinasaadya, ma."

"Anong hindi sinasadya? Ang hula ko nga ay baka doon sila nagsagawa ng kanilang milagro! Nakakadiri na talaga ang mga kabataan ngayon! Walang pinipiling lugar!"

"Belinda, ang blood pressure mo baka tumaas na naman," singit ni papa na biglang sumulpot.

"Ayan, suportado mo ang mga tambay sa barangay dahil isa ka ring dakilang basagolero noong kapanahunan."

"Kung makakutya ka ay parang hindi ka patay na patay sa akin noon. At kahit naman hanggang ngayon."

"Ah ganon?! Papatayin talaga kita! Kumuha ka na naman ng pera sa pitaka ko kahapon dahil uminom pala kayo ng kumpare mo na napakalakas kung kumain!"

Hinayaan ko na lang sila na magbangayan dahil madalas talaga itong mangyari. Mahilig kasing magbiro si papa, at si mama naman ay napakadaling mapikon.

I turn around to see Buendavid with Allerick on his arm. Nilapitan ko sila at ako na ang kumarga kay Allerick.

"Sinanay mo kasi, ang hilig na tuloy magpakarga sa'yo. Naisturbo pa tuloy ang tawag mo." Napangiti lang sa akin si Buendavid at mabilis akong hinalikan sa labi.

"It's fine. He's my son. The two of you are my family now."

His words really melt me. Napakasarap pala talagang gumising para sa mga mahal mo sa buhay, para sa buo mong pamilya. At nandito na sila, nangyayari na sa akin ang matagal ko nang pangarap: ang mabuo kaming tatlo.

Ngayon tuloy ay lubos ko nang pinagsisihan ang walang humpay kong pagtataboy noon kay Buendavid. Kung alam ko lang na sasaya ako nang ganito, sana hindi ko na siya pinahirapan pa.

"Mag-breakfast na tayo, mama. Baka pumayat ako." Sabay kaming napatawa ni Buendavid dahil sa pahayag ng anak namin.

"Sure, baby. Takot ka palang pumayat ha?"

Bitter Sweet and StrangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon