Chapter 1- First Day

856 15 6
                                    

Camille's POV

"Hello World!" Sigaw ko sa kuwarto ko

Bumaba na agad ako dahil excited ako kasi 1st day ko bilang senior highschool. Actually 8:00 ang start ng klase ko pero 5:30 palang gising na ako kaya medyo inaantok pa ako pero okay lang kasi marami pa akong aayusin sa school na may pangalang Castle High. Nagustuhan ko ang Castle High kasi parang sa mga fairytales na may mga castle.

"Good morning ate Cams!" bati sa kin ni Mae, kapatid ko.

"Good morning din Mae!"

"Hindi naman ata kayo excited, mga anak, noh?" Sabi naman ni mama habang nagluluto ng almusal.

"Hindi nga po mama eh! Haha!" Sabay naming sabi ni Mae.

"Ako muna maliligo ah? 7:00 pasok ko eh." Sabi ni Mae.

Nanood muna ako ng TV habang hinihintay na matapos lutuin ang almusal.

"Anak, kain ka na."

"Eto na po!" Sabi ko naman. "WOW!!" Sigaw ko kasi ang almusal ay pancakes na favorite ko.

"Takaw Alert!!" Sigaw naman ni Mae habang naliligo siya sa CR.

Sakto naman na pagkatapos ko kumain, tapos na rin maligo si Mae kaya naligo na agad ako.

"Love Is An Open Door!!" Kanta ko habang naliligo ako.

Mga 5 mins. lang ako naligo. Dumiretso na agad ako sa kuwarto ko para magbihis.

"Para talaga akong na sa fairytale dahil sa uniform na to." Sabi ko sa sarili ko. "Kaya lang, nerd kasi ako eh! Sayang!"

Habang bumababa ako ng hagdan, nagsusuklay ako. Nagtoothbrush na rin ako. Inayos ko na rin ang bag ko para handa na talaga ako. 7:15 ako natapos mag-ayos at umalis na ng bahay. Walking distance lang naman ang CH (Castle High) kaya naglakad na lang ako.

7:20 ako nakarating sa CH. Pumunta na agad ako sa bulletin board para tingnan kung anong section ako.

Section A-Seniors ako.

"ANDYAN NA SI MARK!!!!!!!" Sigaw ng babaeng katabi ko kaya nagulat ako.

"Anubayan!" Bulong ko.

"Ang pogi niya talaga, noh?" Sabi naman nung isang babae sa likod ko.

"ILOVEYOU PAPA MARK!!!!" Ay anlande lang?

Nagsimula ng magtilian ang mga babae nang dumating ung Mark. Nang tumingin ako sa lalaking tinitilian nila, nagulat ako kasi ang pogi niya. Parang Prince Charming.

Buntot ng buntot ung mga babae kay Mark. Ako naman dumiretso na ako sa section ko para di malate.

After 20 mins, nagsidatingan na ung mga kaklase ko. Nagulat ako kasi kaklase ko si Mark. At ang matinde, katabi ko pa! Ang suwerte ko!!! Haha. jk

Dumating na rin ung teacher namin.

"Good morning class! I'm Miss Fajardo. Your teacher in Mathematics" Nakangiting sabi ni miss.

"Good morning Miss Fajardo!" Sabay-sabay naming sabi.

"Okay. Since this is the first day, you will introduce yourself infront of the class."

Isa-isa kaming pumunta sa harapan.

"Hello, I'm Camille Estabillo. I hope that we'll be friends." Nakangiti kong sabi.

Tapos ung iba naman ang tinawag.

"Class. I want to know now kung anong lesson ang gusto niyo sa Math."

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon