Chapter 12- Old Friend

159 6 1
                                    

(FAST FORWARD - 2 Weeks Later)

TJ's POV

"Ano ba naman! Ang hirap naman kunin ang loob mo!"

Sinong kausap ko? Etong si CM, short for Christine Mae. Ang arte ng pangalan, noh? Siya pala ung rabbit na binili nila kuya 2 weeks ago. Natawa nga ako kasi si kuya ang nag-isip ng pangalan hindi si ate Cams!

"Kumain ka na nga dyan!" Sigaw ko sa kanya.

--

Mark's POV

"Kumain ka na nga dyan!" Sigaw ni Tij kay Christine Mae. Sa akin binigay ni Cams ung rabbit kasi daw allergic si Mae sa mga mabalahibong hayop. Kaya siguro galit na galit si Tij kay CM kasi allergic si Mae kay CM.

"Hoy!!!" Sigaw ko kay Tij. "Tumahimik ka nga dyan! Nag-aaral ako dito oh!"

"Nakakabad-trip kasi tong si CM eh! Ang hirap kunin ang loob!" Irita niyang sabi.

"Hindi naman yan ang kinababadtripan mo kay CM eh!"

"Ano naman?!"

"Kinababadtripan mo si CM kasi allergic dyan si Mae!"

"He!" Nagwalk-out na siya. May sakit kasi si Mae dahil kay TJ kasi dinala niya si CM sa bahay nila.

Nag-aral na lang ako.

--

Camille's POV

"Ok ka lang ba, lil sis?" tanong ko kay Mae. Nagkaroon kasi siya ng hika nang dalin ni TJ si CM dito sa bahay.

"Pwede na rin ate." Sagot niya habang hinang-hina siya.

"Magpahinga ka na lang dyan, ha?"

"Opo, ate."

Nakatulog na siya. Tinawagan ko si TJ.

[Hello? Sino po to?] Oo nga pala! Hindi ko pa kasi nabibigay ang cell no. ko sa kanya.

[Si ate Cams mo to.]

[Bakit po kayo napatawag?]

[Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ka namin sinisisi ni Mae sa pagkakaroon niya ng hika. Nasabi kasi sa kin ni M na sinisisi mo daw ang sarili mo kasi dinala mo dito sa bahay si CM.]

[Ahh, ganon po ba? A ate? Pwede po bang dumalaw sa inyo? Kay Mae po?]

[Pwedeng-pwede naman TJ.]

Hinintay ko muna si TJ bago ako mag-aral para sa exam.

*ding-dong*

"Sila na yan siguro yan."

Binuksan ko ang pinto.

"Sino po sila?" Tanong ko kasi hindi sila TJ ang nag-door bell.

"Ang bilis mo naman makalimot! Tampo na ako!"

"Sino po ba sila?"

"Bestie, ako si Kirsten! Ano ba yan!"

"Kirsten!!!!!!!! Oh My Gosh!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko tapos nagtatatalon kami dahil sa sobrang tuwa.

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon