Chapter 8- Proposal

207 7 1
                                    

Camille's POV

"Ano? Tara?" Sabi niya.

"Ha? Saan?" Nagtataka kong tanong.

"Basta!!! Tara na!!" Hinigit niya na ako kaya no choice na talaga ako.

--

Mark's POV

Gusto ko siyang dalhin sa park. Sa park kung san nangyari ang pinakagusto kong pangyayari. Ang sagutin ako ng taong mahal ko pero sa park rin na yun nangyari ang pinakaayaw ko. Ang iwanan ako ng taong mahal ko.

>>>FLASHBACK<<<

"Susan, will you be my girlfriend?" Tanong ko.

"Yes! Yes, Mark!" Naluluha niyang sabi.

(Fast Forward - 2 Years after)

Tinext ko si Susan para pumunta sa dito sa park. Wala siyang reply pero pumunta siya.

"SUSAN!! Happy sec-" natigilan ako sa sinabi at ang bulaklak na hawak ko ay nabitawan ko na.

"Mark, we need to break up."

"Ha? Bakit? Bakit kailanga sa anniversary pa natin?"

"Wag ka nang maraming tanong, Mark!"

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Iyak lang ako ng iyak sa gitna ng park. Iniwanan niya na rin akong nakatayo dun.

"Hindi talaga totoo ang happily ever after na napapanood ko sa tv!"

>>> FLASHBACK ENDS <<<

Habang papunta kami sa park, nagtanong si Camille.

"San ba tayo pupunta, Mark? Pagod na ko!" Sabi niya habang hingal na hingal na siya.

"Sa importanteng lugar sa kin."

"Saan?"

"Sa park."

--

Camille's POV

"Pano naman naging importanteng lugar sayo ang park na to?" Tanong ko nang makarating na kami sa park.

"Dito nangyari ang first girlfriend ko at ang first heart break ko." Maluha-luha niyang sabi

"Bakit mo ko dinala dito?"

"Kasi gusto ko dito ko gawin."

"Ang ano? Ang alin?"

Lumuhod siya sa harapan ko, "Will You Be My Girlfriend?"

"Yes!" Sabi ko.

"I-promise mo lang na kapag magbebreak tayo wag dito ha?"

Tumango na lang ako at tumawa ng mahina.

Ang sarap sa pakiramdam na sa isang NBSB ko, magkakaroon ako ng boyfriend na pinapangarap ko. Ang boyfriend na akala ko na sa mga fairytales lang makikita pero nakita ko siya. Siya si Mark. Si Mark na unang boyfriend ko.

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon