Chapter 42- Acceptance

67 4 2
                                    

Mark's POV

Ngayon, nandito ako sa office ni dad. Kakausapin niya daw ako. Bakit kaya?

"Miss?" Tanong ko sa P.A. ni dad.

"Yes sir?"

"Pinapunta ako ni dad dito. May ginagawa ba siya ngayon?" Nakalimutan kong sabihin na Filipino ung mga hinire ni dad na mga assistant niya kasi ayaw niyang masanay siya sa pag-e-english.

"Wala naman. Mark pangalan mo diba?"

"Ah opo."

"Sige. Samahan na kita sa office ng dad mo."

"Salamat."

Naglakad na kami papunta sa office ni dad. Sa 5 1/2 months ko dito, ngayon lang ako nakapunta sa office ni dad. Kaya ko alam ung sinabi ko kanina dahil palagi silang pumupunta sa bahay.

"I heard na napilitan ka lang mag-aral dito." Nag-open siya ng topic na alam niya na ang sagot sa topic na yun.

"Ah oo." Tipid kong sagot.

"Bakit ka napilitan? Ang ganda kaya dito sa America!"

"America is not beautiful without my girlfriend back then."

"Lalim!" Huminto na kami. "Dito na ang office ng dad mo. Pwede mo kong pagsabihan ng problema mo about your girlfriend."

"By the way, what's your name? Palagi ka ngang na sa bahay pero I didn't know your name."

"Alexa. Alexa Buenavista."

"Okay! See you later." Pumasok na ko sa office ni dad. Nandon rin si mom.

"Hindi ka ba tinuruan na kumatok bago pumasok? At pano mo nalaman ang office ko?" Tanong ni dad.

"Kalma lang, Mr. Gonzales!" Pag-aawat ni mom.

"First question, I thought na alam mo na pupunta ako kaya hindi na ako kumatok. Second question, tinuro sa kin ni Alexa."

"Si Alexa?" Sabay na tanong nilang dalawa.

"Yup! Alexa Buenavista."

"Okay! Iwan ko muna kayo para makapag-usap kayo at may gagawin rin ako." Sabi ni mom.

"Sige po." Lumabas na si mom. "Ano po bang pag-uusapan natin?" Tanong ko kay dad.

"About you and Camille." Nagulat ako sa sinabi ni dad. Sa min ni Camille? Concern na siya samin? Di nga?

"Why?"

"I know that you love her a lot. And that you will do anything and everything for your relationship. Specifically, for her."

"Now, you appreciate it!"

"You're right! I appreciate it. I'm doing this dahil ginawa mo na sa kin to."

"Ha? Kailan?"

"Now. You've done that now. Ung samin ni Kristine."

"I've done that because she deserves your love."

"And I know that Camille deserves your love."

"So boto ka na?" Tumango na lang siya. "Thank you, dad."

"You're welcome." Umalis na ako sa office ni dad.

Ang saya na boto na ung dad mo na dating galit na galit kay Camille. Ang kulang na lang ang reaksyon ni Camille.

4 1/2 MONTHS PA!!

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon