Chapter 25- Friendzone

102 5 0
                                    

Mark's POV

"Sir Mark?"

Si Manang Sha! Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Bakit po Manang Sha?" Pagtataka ko.

"May bisita po kayo."

Lumabas si... "Kirsten?!" Bakit siya nandito? Nandito rin ba si Camille?

"Hello, Mark." Nakangiti niyang sabi.

"Bakit ka nandito? Nandito rin ba si Camille?" Tanong ko.

"Nandito ako kasi gusto kitang makausap. Nandito si Camille. Nasa baba siya."

"Bakit?" Bakit ko natanong? Kasi nung sinabi niyang nandito si Camille, lumungkot ung mukha niya.

"Anong 'bakit?'"

"Wala! Pumasok ka muna."

Umupo siya sa kama ko at ako sa couch. Parang ako ang bisita, noh?

"Ano ba ung pag-uusapan natin, Miss Sungit?"

"Bakit mo ko tinawag na 'Miss Sungit'?! Ha?!"

"Kasi masungit ka!" Bulong ko.

"Hindi ako masungit!" Takte! Narinig niya?!

"Akalain mo nga naman! Masungit na nga, may lahi pang ASO! Buwahahahahaha!" Pang-aasar ko.

"Wala kong lahing aso!! Saksak mo sa kokote mo yan!!"

"Nasan kutsilyo?"

"Urghhh!! Dapat pala hindi nalang ako pumunta dito!"

"Bakit ka pa pumunta kung ayaw mo pala?"

"Urghhh!! Sige na! Alis na ko! Wala ka namang pakealam sa sasabihin ko eh!"

"Wag!!"

--

Kirsten's POV

"Urghhh!! Sige na! Alis na ko!wala ka namang pakealam sa sasabihin ko eh!"

Ano ba yan! Akala ko masasabi ko na! HINDI pa pala!

"Wag!!" Hinawakan niya ung kamay ko. Waah! Oxygen! Lande ko! Hahaha

"Bakit na naman?!"

"Tulungan mo ko. Please!" Ang cute niya! Para siyang aso na nanghihingi ng pagkain! Hahaha

"At bakit naman kita tutulungan?"

"Kasi magkaibigan tayo?"

"At hindi mo talaga alam na magkaibigan ba talaga tayo o hindi!" Baka ma-friendzone ako!

"Ano ba talaga? Magkaibigan ba tayo o hindi?"

"Kung pwede sanang mag-KAIBIGAN."

"Ha?"

"Wala! Ang sabi ko gwapo ka na sana, bingi ka lang!"

"Eh di bingi na!!"

"Wala na! Inis na siya!!"

"Tulungan mo kasi ako kay Camille!" Iniiwas ko nga sa usapan si Camille pero ang bukambibig pa rin ni Mark ay si Camille.

"Mahal na mahal mo talaga si Camille, noh?"

"Mahal na mahal ko siya. Sobra pa sa forever."

"Wala ngang forever pero sobra pa sa forever!"

"Ang bitter mo!"

"Wow, ha?! Ikaw ba, kailanman, hindi mo sinabing walang forever?"

--

Mark's POV

"Wow, ha?! Ikaw ba, kailanman, hindi mo sinabing walang forever?"

Gusto ko siyang paalisin sa sinabi niya kasi nasasaktan ako kapag naalala ko na sinasabi kong walang forever kapag nagkakahiwalay kami ng mahal ko sa buhay. Pero naisip ko rin na hindi niya alam kaya hindi ko na lang tinuloy.

"Hoy!" Tawag niya sa kin.

"Bakit?"

"Okay ka lang? May nasabi ba akong mali?"

"Ah wala. Wala."

"Sorry."

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Kasi alam kong meron akong nasabing hindi mo gusto kaya ka natahimik." Ngumiti na lang ako.

--

Kirsten's POV

Habang nag-uusap kami ni Mark, may nakita akong notebook.

"Ano to?" Tanong ko sa kanya. Na-curious kasi ako.

"Notebook. Ano ba yan?"

"Pilosopo ka?"

"Pano pag sinabi kong oo? Anong gagawin mo?"

"Sasabihan kita ng pilosopo." Ngumiti ako sa kanya. "Ano nga kasi to?!" Pangungulit ko.

"Notebook nga kasi!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "What I mean, para san to?!"

"Pinagsusulatan ko yan ng good and bad memories."

"Pati bad memories?!"

"Oo. Kasi, sabi nila, 'Don't Forget Memories, Even If That Memories Are Good/Bad, Because That Memories Will Help You To Become A Better Person Someday.'"

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon