Chapter 11- First Date

164 6 1
                                    

Camille's POV

Akala ko sa SM kami pupunta. Oo, SM nga to. Susyal at Mahal.

Pumunta kami sa restaurant nila. Sa Gonzales' Resto.

Pumunta kami sa VIP na nakareserve lang para sa Gonzales Family.

"Order ka lang ng kahit anong gusto mo. Treat ko naman to eh!"

Ngumiti na lang ako ng napakalawak. Umorder ako ng sizzling sisig, 4 rice, tokwa, okra, at sa dessert ay leche flan ala Cads Gon.

Excited na ko kumain!!

"Sir, Mam, eto na po ang order niyo!"

Pagkakita ko sa tray na hawak ng waiter, napa-wow na lang ako kasi ang isang sizzling sisig, parang dalawang order na ng sizzling sisig sa sobrang dami!

"Thank you, C!" Sabi niya.

"Bakit ka nagtethank you? Dapat nga ako ang nagtethank you eh."

"Nagtethank you ako kasi pinasaya mo ako."

"Paano kita napasaya?"

"Kasi masaya ka!" Sa tatlong salita na yun, parang huminto na ang ikot ng mundo ko. Siya lang ang nakikita ko.

Yieee!! KILIG MUCH!!

--

Mark's POV

Ang saya ko ngayon kasi 1st Date namin to.

Natawa na lang ako nang bigla siyang namula sa sinabi ko. Ganun pala siya kiligin! Haha!

"Kumain ka na nga dyan! Para ka ng kamatis eh!"

Natawa na naman ulit ako kasi para siyang walang kamuang-muang dito sa mundo nung sinabi ko yun. Pero nabuhayan ulit siya nung dinala na samin ang mga dessert. Excited na ko!!!!

"Kain na tayo!" Siya naman ang nagsabi.

Una kong inatak ay ang paborito kong bulalo. Siya naman ay ang sizzling sisig.

"Alam mho, ang shaya-shaya ko ngayun!" Sabi niya habang ngumunguya siya. Ang cute niya!

"Bakit naman?"

Lumunok muna siya bago magsalita. "Kasi nandito ka sa tabi ko na nasa 1st date natin."

"Mahal kita, C!"

"Mahal rin kita, M!"

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon