Chapter 20- Comfort You

119 4 1
                                    

Rico's POV

Nandito ako ngayon sa hotel namin. May gaganapin kasing party para kay ate kasi ikakasal na siya.

*Kring. Kring.*

Oh? First Time na may tumatawag sa 'kin!

"Mom, I'll just answer this call. Excuse me." Sabi ko kay mama kasi nasa meeting kami.

Pumunta ako sa garden. Sinagot ko ang tawag.

[Hello? Rico, ikaw ba 'to?]

"Oo, ako nga. Sino 'to?"

[Si Camille, Rico.]

"Bakit ka napatawag?"

[Tulungan mo ako sa problema ko, Rico. Pwede ba?]

"Ano bang problema mo?"

[Pumunta ka sa park. Sa park kung saan maraming nangyari na hinding-hindi ko makakalimutan.]

"Sige. Paalam lang ako kanila mama, ha?"

*Call Ended*

Bumalik agad ako sa meeting. Tinapos ko muna ang meeting bago ako magpaalam kay mama.

"Ma?"

"Why? Do you have a problem?"

"Yes, mom. I need to go now because my girl friend needs me."

"Are you sure she's just your friend?" Ano ba yan! Nang-asar pa si mama!

"Ahm, we'll talk about that later, okay?"

"Okay! Take care!"

Pumunta na agad akong parking lot.

--

Camille's POV

"Ate? Hindi ka pa ba uuwi? Kanina ka pa dito. Kanina pang umaga." Sabi ni Mae sa kin. Alam kong alalang-alala siya sa 'kin.

"Hinihintay ko si Rico eh."

"Kanina mo pa ba siya tinawagan?"

"Kani-kanila lang naman."

"Ahh. Gusto mo ba, ate, samahan kita dito?"

"Wag na Mae. Kaya ko mag-isa."

Niyakap niya muna ako bago siya umalis.

--

Rico's POV

Nakita ko siya sa bench. Nilapitan ko na agad siya.

"Camille?" Humarap siya sa 'kin. Magang-maga ang mata niya dahil sa kaiiyak. "An-" Naputol ang sasabihin ko dahil niyakap niya ako.

"Hindi ko na kaya, Rico. Hindi ko na kayang i-reject si Mark." Sabi niya habang umiyak sa 'kin.

"Bakit mo ba siya nire-reject?"

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa 'kin.

"Dahil sa papa niya."

"Ganon talaga si tito Harvey."

"Ginagawa ko lang naman to para sa ikabubuti niya."

"Kailangan talagang magsakripisyo ng dalawang nagmamahalan para sa ikabubuti ng buhay nila."

"Salamat, Rico."

"Salamat naman at nakangiti ka na ngayon." Pareho na kaming nakangiti ngayon.

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon