Chapter 52- Preparation

72 4 0
                                    

Camille's POV

"This Is It!!!!" Sigaw ko sa kuwarto ko.

"Wag excited!" Sabi naman ni Mark. Pumasok kasi siya sa kuwarto ko para dalhan ako ng breakfast.

"Kailangan talaga, breakfast in bed?" Tumango naman siya.

"Kailangan talaga! Kasi kailangan mo ng special treatment." May sakit ba ako?! Whatever! Kinain ko na lang ung breakfast.

"Bakit?" Kanina pa kasi siya nakatingin. "Gutom ka na ba?" Tapos sumubo ulit ako.

"Hindi ako gutom."

"Eh bakit?!"

"Tinitingnan lang kita kasi sobrang ganda mo. Pano pa kaya mamaya?!"

"Joke ba yun?"

"Kailan pa ako nagjoke sayo kapag tungkol sa sarili mo?" OhMy!!!!! Nagbu-blush ako!!!! Badtrip naman kasi to eh! Pinapakilig ako. "Parang hindi mo na kailangan ng blush on mamaya ah!" Putek! Nahalata.

"A-anong tinutukoy mo?" Pagkukunwari ko. Kahiya!!

"Sus!! Sige labas na ako. Tawagin mo na lang ako if you're finished. Okay?" Tumango naman ako. Ang sweet niya naman!

Sana ganyan lahat ng boys sa buong mundo. Ung bibigyan ka ng special treatment. Ung binibigyan ka ng another reason to live. Ung feeling mo, sobrang loved ka. At ung mahilig sa surprises.

(Fast Forward!! - 3:30 PM)

Ngayon, nandito na kami sa resort. 1 hour na lang kasi eh! Haay!!!

"Good Afternoon, my Cinderella!!" Bati sa kin ni mama nung pumasok siya sa kuwarto ko. Then, kiniss niya ako sa cheeks. "How's the room?"

"Okay lang naman ma. Sakto lang para sa kin." May biglang kumatok kaya pinagbuksan ung kumatok ni mommy. "Oo nga pala! Sila ung mga mag-aayos sayo." Okay?! "Siya si Aliss. Ang magme-make-up sayo." Sabi ni mommy habang tinuturo ang lalak- ay hindi, bakla pala siya! Excited ako. Kasi sabi nila, mas magaling daw magmake-up ang mga gay. "Eto naman si Alexa." Kapangalan ni ate BC?! "Ang mag-aayos ng buhok mo." Dugtong ni mama.

"Hello po!" Bati ko sa kanila.

"Wag na mag po ang prinsesa. Magkasing-age lang tayo!" Sabi ni Alexa.

"Plangak!" Sabi naman ni Aliss.

"Sige iwan ko na kayo. Tutulong lang ako sa mga mag-aayos ng venue." Sabi ni mama.

Sasagot na sana ako pero...

"Sige, mader!" Sabi ni Aliss. Kaya nagtawanan kami. Lumabas na si mama sa kuwarto.

"Let's Start The Transformartion of a Lovely Girl turns into a princess!" Sabay nilang sabi habang kinukuha nila ung mga gamit nila sa kama. Tapos, they motioned me to sit on the chair in front of the dresser.

"Kaya ba magtransform kapag 1 hour na lang ang oras?" Tanong ko.

"Siyempre." Sagot ni Alexa.

"We will just put a little make-up on your face kasi your beautiful." Sabi ni Aliss.

"Sana nga ganiyan ang pes mo, Aliss noh?" Tumango naman si Aliss. Nagtawanan tuloy kami.

"Sige na. Let's start! The clock's ticking eh." Sabi ko naman at nagsimula na kami.

Let's Get It On!!!

--

After 45 minutes, (ata!) tapos na nila akong ayusan pero make-up and hair lang. Tagal no?!

"Yan, PERFECT!!" Then, hinarap nila ako sa salamin.

"Wow! Si Cinderella ba to?" Tanong ko sa kanila. "Ang ganda eh!" Dugtong ko.

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon