Chapter 13- Nightmare

149 5 1
                                    

Mae's POV

"TJ, ano yang hawak mo sa likod mo?" Tanong ko kay TJ.

May nilabas siya na rabbit. "Si CM!"

Haching ako ng haching kasi allergic ako sa mga mabalahibo. "TJ! Ilayo mo siya sa'kin!!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko
sinasadya pero kailangan ko yung gawin para hindi ako hikain.

Pagkasigaw ko, nakita ko si ate na tumatakbo habang hinang-hina ako.

"TJ! Anong ginawa mo?" Alalang-alalang tanong ni ate kay TJ.

"Pinakita ko lang po kay Mae si CM. Bakit po ate Cams?"

"Bakit mo ginawa un? Allergic si Mae sa mga mabalahibo kaya ko nga binigay sa inyo si CM eh!" Sinabi niya habang tinutulungan ako tumayo kasi napahiga na ako dahil hinang-hina na talaga ako. Nahihirapan na rin ako huminga. "Umalis ka na muna. Tawagan na lang kita kapag okay na si Mae, ha?"

Dinala ako ni ate sa kuwarto ko. Pinahiga niya ako at nilagay niya na rin sa kin ang mask para sa oxygen.

"Okay ka na ba?" Tanong sa kin ni ate.

"Opo ate." Nanghihina kong sabi.

"Magpahinga ka na lang muna dyan, ha? Mag-aaral lang ako."

(3hours later)

"Mae?" Boses ni kuya Mark.

"Kuya Mark? Ikaw po ba yan?"

Pumunta na siya sa kuwarto ko. "Ayos ka na ba, Mae?"

"Opo, kuya." Sabi ko. "Si TJ po?" Dugtong ko.

"Kanina ko pa kasi tinatawagan eh. Walang sumasagot." Sagot ni kuya Mark.

"San po ba siya nagpunta?"

"Sabi niya sa' kin, pupunta daw siya sa mall. Ang sabi ko nga isama ako kasi kapag may nangyayari na ganito, palagi siyang nagbabalak na madisgrasya."

"Mark!" Sigaw ni ate. "Si TJ daw! Nasa ospital!"

"Ha?!" Sigaw naming dalawa ni kuya Mark.

Pumunta agad kaming ospital dahil alalang-alala kaming tatlo. Okay na naman ako kaya sinama ako. Hinintay naming lumabas ang doktor.

After 30 mins., lumabas na rin ang doktor.

"Dok, kamusta po ang kapatid ko?" Tanong ni kuya Mark.

"I'm sorry to say, ginawa naman namin ang makakaya namin pero sumuko na siya. I have to go." Sabi ng doktor.

Lahat kami nag-iyakan kasi hindi naman namin akalain na ganito ang mangyayari.

May humahawak sa ulo ko kaya napamulat ako. Si ate Cams.

"Mae? Ayos ka lang ba? Nanaginip ka ng masama eh."

"Ate Cams!" Sabi ko habang umiiyak ako. "Napaginipan ko si TJ."

"Ano'ng nangyari?!"

"Namatay daw si TJ!"

*Kring. Kring.*

Nag-ring ang phone ni ate kaya sinagot niya agad ito.

"Ha? Bakit?! Papunta na ako diyan."

Nagmamadali na si ate.

"Ate? Bakit? Anong nangyari?"

"Si Mark! Dinala siya sa ospital!"

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon