Chapter 39- Confused

68 4 0
                                    

Camille's POV

Maaga akong nagising. I mean kami pala kasi pupunta kami sa puntod ni papa dahil death anniversary niya ngayon. 8 years na rin siyang patay. Kaya siguro kami close ni Mark kasi parehong may patay na kaming magulang.

Urggh!!! Bakit nasa isip ko palagi si Mark??! Nakakainis na rin eh!

Pero hindi pa rin talaga maalis ang feelings ko sa kanya kahit na umiiwas ako sa kanya.

"Ate, ready ka na? Tatanghaliin na tayo." Tanong ni Mae.

"Handa na ako. Nag-iisip lang."

"Ano na naman yun?"

"Si Mark kasi palagi kong iniisip."

"Mahal mo pa ba?"

"Ewan. Pero ang alam ko, hindi maalis ang feelings ko sa kanya."

"Mahal mo pa nga!" Tumingin ako sa kanya.

"Sigurado ka?"

"Oo! Kasi nga, hindi isip ang nagdedisisyon sa love!"

"Ay ewan! Pero hindi ko pa rin naman siya makakausap eh!"

"Okay lang yan! Babalik rin naman yun!"

"Tara na, mga anak!" Tawag sa min ni mom.

"Tara na!"

Bumaba na kami.

--

Kirsten's POV

"Ano na?!" Galit kong tanong.

Bakit? Kasi etong Mark na to, kanina pa namomorblema kung anong gagawing surprise! Ayaw kasing gawin ang surprise na sinabi ko.

"Akala ko ba, matalino ka sa surprise?" Mataray kong sabi.

"Kaya nga AKALA diba?" Natauhan ako dun ah! "Tsaka wala ring AKALAng tama."

"Sige na! Matalino ka na sa mga facts! Sabi ko naman kasi sayo na ung sa kinna lang na plano ang gamitin!"

"Masyadong mahal kasi ang plano mo!"

"Ano pang silbi ng tulong ko sayo kung hindi kita tutulungan sa gastusin?" Ngumiti siya at niyakap niya ako. PERO, wala na akong feelings sa kanya! Promise yan!

"Salamat Kirsten!" Sabi niya habang niyayakap ako ng SOBRANG higpit!

"Sige na! You're welcome! Pero bitawan mo na ako! Nahihirapan na ako makahinga!" Sinunod niya naman ako.

"Sorry. Na-excite lang ako."

"Sige na! Start na tayo!"

Gusto niyo bang malaman ang plano ko? Ahmm, saka na! Pag nagawa na namin.

--

Camille's POV

"Anak, alam kong may problema ka." Sabi sakin ni mom habang kumakain ako. Pano nalaman ni mom? "Nakikita ko sa mata mo." Hindi ko pa nga natatanong, nasagot na agad. Siyempre, nanay ko yan kaya kilala na ako ni mom. "Sabihin mo sa kin, ano ba yang problema mo?"

"Mahal ko pa po ba si Mark?"

"Ewan! Hindi naman ako, ikaw!" Oo nga noh? Baliw lang?! "Pano mo ba nasabi yan?"

"Hindi pa rin po kasi naaalis sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. Lalo na ngayon na alam ko na siya ung lalaki sa park na kinababaliwan ko dati."

"Sa sinabi mong yan, alam ko na ang sagot!"

"Ano? Na mahal ko pa rin siya?"

"Nagtanong ka pa kung alam mo na rin naman ang sagot!"

"Ma naman eh!"

"Joke lang. Pero tama ang sabi mo na mahal mo pa rin siya."

"Weh?"

"Nagtatanong ka pero ayaw mo maniwala! Ay ewan! Kumain ka na lang diyan basta maya-maya, sabay-sabay tayong magdadasal para sa tatay mo."

"Opo ma."

Mahal ko pa ba talaga si Mark?!

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon