Epilogue

179 10 4
                                    

Camille's POV

1 week after

"Good morning, my queen." Bati sa kin ni Mark pagkagising ko. May dala siyang paper bag.

"Ano yang hawak mo?" Matamlay kong tanong. Siyempre, bagong gising!

"Paper bag!" Pilosopo talaga!

"What I mean is, anong laman niyang paper bag!" Pagpapaliwanag ko. "Slow!" Bulong ko.

"Gift ko sayo. Hindi ko kasi nadala nung party mo." Inabot niya sa kin ung paper bag. "Open it."

Binuksan ko.

"WOW!" Yan lang ang nasabi ko. Wow naman kasi talaga.

"You like it?" Tumango ako.

Imposible ko namang magustuhan tong regalo niya. Mga libro. (Divergent, The Fault in Our Stars, and The Abbey). I've started reading books na kasi maraming nagregalo sa kin nung last ng school. Then, teddy bear. Maliit lang pero pwedeng ilagay sa tabi ng unan ko para I'll always remember Mark.

"Thank you talaga dito, Mark." Tumayo ako at niyakap ko siya.

"Kiss ko?" Binatukan ko naman siya. "Aray!"

"Kagabi, naka-isa ka eh!" Tumawa naman siya.

"Gusto mo naman eh!" Sabagay! "Mag-ayos ka. Aalis tayo."

"Papaa-" Pinutol niya ung sinabi ko. Buwiset!

"Napagpaalam na kita. Ikaw na lang!"

"Sige. Maligo lang ako. Bumaba ka muna. Bababa na lang ako after."

"Love you." Sabi niya pero wala naman ata siyang balak lumabas.

"Sige na! Labas na!"

"Sagot muna!"

"Sige na! Love you, too! Labas na!" Tinulak ko na siya palabas. Lumabas na naman siya.

San kaya kami pupunta?

--

After ko maligo, siyempre nagbihis na ako. Ang sinuot ko is hanging at shorts. Naaadict na ako sa hanging! Walang basagan ng trip ah?! Nag-powder lang ako then lip gloss.

After, bumaba na ako.

Tumingin ako sa paligid pero walang tao. Kami lang ni Mark?

"Asan sila?" Tanong ko sa kanya.

"Wait and see." Huh?

Naglakad na kami papunta sa isang kotse. Kotse nila Mark to ah!

Tapos, tumigil kami sa 7/11.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Kakain ng ice cream."

"Yun lang?" Tumango siya. Tapos pumasok na kami. Pumunta agad kami sa may counter.

Gusto ko rin ice cream dito. Malaki kasi ice cream nila, 15 pesos lang. Unlike sa mga malls. Maliit lang pero 20 pesos na!

"Anong flavor gusto mo?" Tanong niya.

"Chocolate." Tapos binigay na samin ni kuya sa counter ung ice cream na inorder ko.

"Mmm! Sarap!" Sabay naming sabi pagsakay sa kotse. Natawa tuloy kami pati si kuya driver.

"San na tayo next?" Tanong ko kay Mark.

"Sa mall." Ang tipid eh! Ng sagot ah!

"Bakit?"

"Manonood tayo ng movie."

"May bukas na bang mall? Kakagising ko lang ah!"

"11 na kaya!"

"HA?!"

"Ang OA mo!"

"Sorry naman! Nabigla lang ako!"

"Okay lang." Ang bilis naman magbago ng isip nito!

--
Mall.

After 5 hours.

"Hindi pa ba tayo uuwi? Nakatatlong movie na tayo ah!" Pagmamaktol ko. Hindi pa kami nakakakain ng lunch ah!

"May bibilhin lang ako." Iwan ba naman ako. "Wag kang sumunod!" Sigaw niya. Iniwan na nga ako. Nag-indian seat na lang ako sa tabi.

--

"Asan na yun?" Tapos sabay tingin sa cellphone ko. "20 minutes na yung umalis ah!"

"Mic test. Mic test." Sabi ng pamilyar na boses from nowhere. Parang sa customer service ata. "He-hello sa mga nakikinig!" Maraming nakikinig! "Gusto ko lang magkuwento tungkol sa relationship namin ng isang babae." Tiningnan ko yung mga guard pero nakikinig lang sila. Hindi ba nila huhulihin yung nagsasalita?! Istorbo rin yun noh?!

"Ako nga pala si Mark Gonzales at ang babaeng tinutukoy ko ay si Camille Estabillo na malapit sa bilihan ng ticket sa sinehan." Nagtinginan naman sa kin ung mga tao. Alam ba nila na ako yun?! Malamang! Mag-isip-isip ka nga rin minsan, Camille! "Simulan ko na ung kuwento ah? Isang araw, may nakilala akong bata sa park kagaya ko. Umiiyak ako nung time na yon at inasar niya ako na iyakin ako. Hidni niya lang kasi alam kung bakit ako umiyakap nun. Na- love at first sight ako sa kanya nun kaya naging stalker niya ako. Pero naaksidente siya at nagkaroon siya ng amnesia. Then, may nakilalaakong babae sa school namin. Sa Castle High.

"First Day palang, ginusto ko na siyang maging girlfriend kaya ginawa ko siyang fake girlfriend. Mairap man paniwalaan pero pumayag siya. Sa pagpapanggap na yun, nalaman ko na siya pala yun. Naging magkarelasyon kami. Naging isang dahilan sa paghihiwalay ulit namin ang tatay ko. Pinaghiwalay niya kami at pinapunta niya ako sa US. Sa buong stay ko dun, gumawa ako ng surprise para sa kanya.

"Ngayon, eto na, ung araw ng surprise. Ung araw na yun, ginanap ang pre-debut celebration niya. Hindi niya alam na ako ung magiging escort niya sa pre-debut at ako rin sa mismong debut niya. Marami kaming pagkakapareho kaya mabilis kaming magkasundo.

"Ngayon, sine-celebrate namin ang weeksarry namin. Kaya,Camille, happy weeksarry sa tin. At sana maging forever na to. Alam kong maraming hindi naniniwala sa forever pero patutunayan natin na meron."

Tapos nag-play ang theme song namin.

[NP: Ikaw at Ako by TJ Monterde]

Tapos lumapit sakin ung family ko at family ni Mark.

"HAPPY WEEKSARRY!!!!" Sigaw nila.

"Yieee!!" Sigaw naman nung ibang tao dito sa mall.

Then, lumapit na sa kin si Mark na may dalang boquet ng flowers. Ang ganda kasi iba't-iba ung kulay ng rosas kaya colorful.

"You like it?" Tanong niya sa kin.

"I like it as always pero mas gusto ko to kasi talagang brinodcast mo sa lahat ng tao dito sa mall."

"Ilove you, C. Always and Forever."

"Ilove you, too, M. Always and Forever." Tapos hinalikan niya ako sa lips. Pangalawa na to ah!

"Yieeeee!!!" Mas lalong sumigaw ung mga tao sa paligid namin kaya kumalas na ako halik niya.

"Ikakasal na yan!!" Sigaw naman ng mga pamilya namin.

"Not now pero soon." Sabi ko.

"Hintay lang. Basta may forever!" Then, tumingin siya sa kin. At sumenyas na isa pang kiss. Umiling naman ako. Pero sa katigasan ng ulo lumapit siya sakin at kiniss pa rin ako.

Agad naman akong kumalas.

"You, stubborn!" Bulong ko sa kanya.

"But, you still love me!" Sabi naman niya.

Always remember na...

May Forever!

The End!

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon