Chapter 14- Dad's Agreement

136 6 2
                                    

Camille's POV

>>> Hospital <<<

Nasa labas silang lahat ng operating room kasi tumatawid siya tapos may humaharurot na tricycle na bumangga sa kanya.

After a few minutes,

"Sino ang mga kapamilya ni Mr. Mark Gonzales?" Tanong ng doktor.

Nagtayuan kaming lahat. "Kami po, doc." Sabi ni tita Gladys.

"The operation was successful pero kailangan natin siyang hintayin na magising para malaman natin kung nagkaroon ba siya ng amnesia kasi mas lalong bumaon ang bala sa ulo niya. Pero kung gusto niyo po ipatanggal na rin po ang bala na nasa ulo niya, pwede po basta magising siya ng 2-4 days dahil kapag hindi siya nagising ng mga araw na yon, pwedeng lumala ang sakit niya hindi dahil sa pagkabangga pero dahil sa bala na nakabaon sa ulo." Huminto muna ang doktor sa mga sasabihin. "I know God is so powerful so just pray for Mark." Dugtong niya. Umalis na siya.

"Ahmm. Hija, pwede ba kitang makausap saglit?" Sabi ni tita Gladys.

"Ah, sige po tita."

"Sa garden tayo. Tara?"

Naglakad kami papuntang garden. Habang naglalakad kami, nakakabingi ang katahimikan dahil wala ni isa samin ni tita Gladys ang nagsalita.

>>> Garden <<<

"Nagtaka ka ba nang sinabi ng doktor na may bala siya sa ulo?" Panimula ni tita.

Tumango na lang ako.

"Nang bata pa kasi si Mark, hindi namin siya pinapalabas pero ang yaya niya at ung driver namin sinuway ang utos namin at pumunta sila sa park. Sa di inaasahang pagkakataon, may tumama na ligaw na bala sa ulo niya. Nakita na lang ng yaya niya na nakabulagta na siya kaya nagpatulong siya para buhatin si Mark para dalhin sa kotse. Tinawagan niya kami kaya pumunta agad kami sa ospital. Naghintay kami ng ilang minuto bago lumabas ang doktor. Ang sabi ng doktor na hindi naman masyadong bumaon ang bala pero kailangang tanggalin agad. Hinintay muna naming magising si Mark. Ang sabi ni Mark na ayaw niyang ipatanggal. Sinunod lang namin ang gusto ni Mark. Hindi na lang namin pinansin kasi hindi naman niya nararamdaman ang sintomas non."

Naluha na lang ako kasi hindi ko napansin at hindi ko rin natanong.

"Okay ka lang ba, hija? Sorry." Sabi ni tita.

"Huwag po kayo mag-sorry tita. Wala naman po sa atin ang may kasalanan sa nangyari." Nginitian na lang namin ang isa't-isa. Naisipan na lang namin na bumalik na lang sa kuwarto ni Mark.

"Hija, may hihingilin lang ako kapag nagkaroon ng amnesia si Mark." Sabi ni tito Harvey.

"Ano po yun tito?"

"Pwede bang layuan mo muna ang anak ko kapag nagkaroon siya ng amnesia?"

"Sige po, tito. Para po sa ikabubuti ni Mark." Maluha-luha kong sabi pero nakangiti pa rin ako. "Uwi na po muna ako. pakisabi na lang po kay tita na umalis na po ako."

"Sige, Camille." Nakangiting sabi ni tito.

Nagpasundo ako kay Kirsten kasi siya lang talaga ang kilala kong makakaintindi sa problema ko ngayon.

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon