Chapter 30- Brother's Desk

102 3 0
                                    

Camille's POV

Sino ba yung tumawag sa kin? Para kasi siyang nasa airport.

"Haay, Camille. Hindi mo yun kilala pero bakit?"

"Hoy ate!"

"Palaka! Ano ba?!"

"Sorry naman! Anong bakit ung sinasabi mo?"

"Kasi may tumawag sakin. Unknown Number. Pero bakit iba ung pakiramdam ko?"

"Baka kasi ung tumawag sayo ay kakilala mo."

"Sabagay. May point ka! Bakit ka nga pala nandito?"

"I'm here to tell you na umalis na ang kausap mo kahapon."

"Ha? Sino?"

"Just wait." Umalis na siya.

Sino ba yung tinutukoy niya? Hindi pa nga ako nakakamove-on sa tumawag sakin eh!

--

Mae's POV

Bakit ko sinabing "Just wait."?

Kasi ayaw pasabi ni kuya Mark na umalis siya.

Pumunta ako sa garden namin para magpahangin. Naisipan ko rin na tawagan si TJ.

*Kring. Kring.*

Haay, salamat! Sinagot niya agad!

"Hello, TJ!"

[Bakit, Mae?]

"Nangangamusta lang ako."

[Sa kin o kay kuya?]

"Pwedeng all of the above?"

[Pwede naman.]

"So, kamusta na si kuya Mark? At siyempre, ikaw?"

[Kakaalis lang ni kuya Mark eh. Tapos ako naman, medyo malungkot kasi mag-isa lang ako dito sa bahay.]

"Ah ganon ba? Gusto mo puntahan ka namin?"

[Sige ba!]

"Kailan ba pwede?"

[Anytime! Wag lang bukas.]

"Okay!"

*Call Ended*

--

TJ's POV

Bawal pumunta sila Mae dito kasi sobrang kalat! Kahit san ka magpunta, may kalat!

Haay! Simulan ko na ngang maglinis!

Inuna ko muna ung sala. Sa center table lang naman may kalat, pero andaming crampled papers. Humingi ako kay Manang Sha ng trash bag. Then, tinapon ko sa trash bag ung mga crampled paper.

"Manang Sha." Tawag ko kay Manang.

"Bakit, sir?"

"Pwede kayo na po bahala sa dining and kitchen? Ako na po kasi sa family room eh."

"Sige."

"Salamat po."

Nagpatulong si Manang Sha sa iba pa naming katulong para mas mabilis. Pumunta na ako sa Family Room habang dala ko ung trash bag dahil sure na sure ako na maraming kalat dun.

(Family Room)

Pumunta ako sa may desk ko dun. May papel. Itatapon ko na sana pero may umiiyak na bata na nakalagay dun sa likod ng papel. May nakasulat rin kaya binasa ko.

"Nagtataka ka ba kung bakit may batang umiiyak diyan? Pwes, ipapaliwanag ko sayo. Nung bata ako nandun ako sa park ng dati nating compound. Ako yung nilapitan mo sa may bench. Tapos tinanong mo ko kung bakit. Ang sagot ko "dahil sayo" tapos nagtaka ka kung bakit kaya binatukan mo ko. Ang saya na nang pag-uusap natin pero tinawag ka na nang nanay mo. Hindi pa tayo magkakilala nun kaya sinundan kita ng sinundan habang narinig ko na tinawag ka ng nanay mo. Sobrang saya ko nang nalaman ko ung pangalan mong "Camille"."

"Kay kuya to? So, childhood love ni kuya si ate Camille? Pero bakit hindi alam ni ate Camille? Never mind!" Naglinis na lang ako ng desk ko.

Next is, kuya's desk. Malinis ung ibabaw ng desk niya pero pagbukas ko ng drawer, ang daming papel! Ano naman ang ginawa ni kuya dito?

Binuklat ko lahat ng mga papel. Lahat ay may nakasulat na SORRY tapos may date. Ang date ay 01-27-13.

"Para kanino naman to?" Crinampled ko na lahat yun at tinapon na. Nang wala nang papel sa drawer, may nakita naman akong notebook na black. Binuklat ko yun. Ang daming pictures at ang kulay! Pero nagulat ako kasi babae ung mga pictures. Sa first page, picture ng babae.

"Sino to?" Nakita ko ung nakasulat sa baba nung picture. Ang nakasulat ay "C <3 M (I Wish!)" Grabe! Bata pa si ate Camille to ah. Si ate Camille ba talaga to? Ninext page ko. May nakasulat.

"This is taken when Camille is reading fairytales at the park. Simula nito, nagustuhan ko na ring magbasa ng fairytales."

Kaya pala ang daming librong fairytales sa bookshelf ni kuya sa kuwarto niya. Dahil pala kay ate Camille.

Tinago ko na lang un at hindi na tinapos dahil kailangan ko pang linisin ang Family Room.

Nilinis ko na lang ang Family Room. Then, bukas, second floor naman.

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon