Chapter 50- Pre-Debut (Part 1)

70 3 0
                                    

(2 Months After)

Mark's POV

Ngayon na ang surprise!!

Ang feeling ko ngayon ay excited na kinakabahan na kinikilig na inaantok. Nakakaantok kaya kasi kahapon, halos wala kaming tulog para ma-check kung kumpleto na ung gamit at dadalhin. Pero ung kanta, hindi ko pa rin sure kung ano ung kanta. Sila Alexa at Kirsten na daw bahala.

Ay ewan!

--

Camille's POV

Alam mo ung feeling na pagod na pagod ka dahil bukas na ung big day ko tapos maglalakad ka ng sobrang haba kasi nasiraan ung kotse niyo? Ako yun ngayon!

Ngayon, nasa canteen kami sa NAIA. Mahangin kasi dito. Eh pagod na pagod kami.

"Someone texted!" Sabi ng cellphone ko. Hindi nagsasalita ung cellphone ah! Baka sabihin niyo kakaiba ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ung nagtext. Si Ate Alexa pala!

From: Ate BC
"Pasok na kayo! Nandito na ako."

"Ma! Nandito na daw si ate Alexa. Pasok na daw tayo." Sabi ko kay mama.

"Papasok? Seryoso?" Tanong ni Mae. Tumango ako.

"Sige na! Bayaran muna natin to!" Tapos pumunta na si mama sa counter.

After, naglakad na kami papasok.

Nang nasa may entrance na kami, na-ammaze kami kasi ang ganda ng malaking flower na nakasabit sa gilid ng entrance. Snow White color kasi eh!

Pagkapasok namin, nagtaka kami kasi kakaunti lang ung tao dito. Wala nga atang pasahero dito!

"Teka lang! Teka lang! Teka lang! Teka lang! Mayroon akong nakita! Pare ko! Pare ko! Pare, pare ko! O kay gandang dalaga!" Waah! Favorite song ko! Pero bigla na lang tumigil ung kanta! Ayy! Tapos, nagsilabasan ung mga flight attendant sa gilid.

Binigyan nila ako ng tig-iisang rosas. Ung totoong rosas ah! May nakalagay na papel sa bawat isa.

"Ate! Parang lyrics yan ng kanta!" Sabi ni Mae! Oo nga, noh?

"Anong kanta?" Tanong ni mama.

"Ung kanta po na pinatugtog na natapos agad. Kakasimula pa nga lang." Sagot naman ni Mae.

"Ahh. So anong gagawin natin?"

"Malamang, ma, buuin natin."

"Ano un? Bago ka pumasok, may puzzle?" Singit ni Mae. Nagtawanan kami. Binuo na lang rin namin.

After namin mabuo, pinahirapan lang rin pala kami, tinuloy ung pagpapatugtog ng kanta.

"Pinaglololoko ata tayo ng airport na to eh!" Reklamo ni Mae.

"Oo nga eh!" Sabi ko.

May lumapit sa min na lalaki na sobrang pamilyar sa kin.

"Hi Camille!!" Sabi nung lalaki. Kilala ko to eh! "Hindi mo na ba ako nakikilala?" Umiling ako. "Jusme! Makakalimutin ka na!"

"Sabihin mo na lang kaya!" Pagtataray ko.

"Ang taray na eh! Samantala nung grade 1-5, napaka-iyakin eh!" Iyakin? Iisa lang ang nagsasabi sa kin ng iyakin ako!

"Joshua?" Tumango siya. "As in Joshua De Los Reyes?!"

"Sabing oo nga eh!"

"Waah! Na-miss kita!!" Niyakap ko siya. "Ang laki ng pinagbago ng itsura mo ah!"

"Oo nga eh!"

"Ma! Si Josh-" Nilingon ko sila pero wala sila. San sila nagpunta?

"Alam ko kung san sila nagpunta." Nilingon ko siya. "Samahan mo lang ako."

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon