Chapter 31- Cleaning 101

77 3 0
                                    

TJ's POV

Andami palang ginawa ni kuya para kay ate Camille pero bakit hindi niya binigay? At bakit hindi alam ni ate Camille na bata palang sila, magkakilala na sila?

"Hay! Makapaglinis na nga lang!"

Una kong pinuntahan para linisin sa second floor ay ang kuwarto nila dad pero malinis na rin pala. Kaya dumiretso na ako sa kuwarto ni kuya

Nang nasa tapat na ako ng kuwarto ni kuya, nagtanong ako. Curious lang ung tao.

"Siguro, may sikreto na naman dito si kuya." Binuksan ko na ung pintuan ng kuwarto niya.

Pagkabukas ko ng ilaw, bumungad sa kin ung mga libro galing sa bookshelf ni kuya.

"Bakit nakakalat to?" Sabi ko habang pinupulot ung mga libro.

Nang pinulot ko ung Snow White and The Seven Dwarfs na libro ni kuya, may nahulog na papel. May nakasulat ulit.

"Favorite to ni Camille at binalak ko na ibigay sa kanya pero..." Yan ang nakasulat sa papel.

"Bakit hindi natuloy! Ano bayan! Baka yun pa nga ang makatulong sa kin para malaman kung bakit ang daming sulat or things na tungkol kay ate Camille eh!" Binalik ko na lang ung papel sa libro at inayos na ang bookshelf ni kuya.

After that, pumunta na ako sa kama ni kuya para ayusin ung beddings niya. Inalis ko muna ung mga unan niya dun sa kama at ung comforter. Inayos ko ung bed cover ng kama niya kasi parang dinaanan ng ipo-ipo sa sobrang gulo. After ko ayusin ung bed cover ng kama niya, kinuha ko yung unan niya pero pagkakuha ko nung unan, may nahulog na polaroid picture. First and Last picture nila ni mom.

"Ganon niya talaga kamahal si mom."

Inayos ko na lang ung kama niya at nilagay sa night stand ni kuya ung polaroid picture nila.

Next is our study room!

"Kaya ko to! 2 room na lang!"

Dumiretso na ako sa study room namin.

"Maraming kalat dito and I know that!"

Pagkabukas ko ng pintuan, hindi nga ako nagkamali, maraming kalat pero sa side lang ni kuya. WHAT'S NEW!!!! Inuna ko muna ung side ko para walang stress. HAHAHA.

Inayos ko lang ung drawer ko kasi nakakalat lahat dun ng basura ko. Pero un lang ung inayos ko sa kin.

Kay kuya, inuna ko muna ung desk niya para wala na akong intindihin, pero nagkamali ako dahil pagkabukas ko ng drawer niya, ano pa ba, edi papel! Diniretso ko na sa trash bag ung mga papel na un.

"Salamat naman! Tapos na rin sa desk! Sa sahig na lang!" Pinulot ko na lang lahat ng papel para matapos na.

After the Study Room, siyempre nagsnack muna ako dahil napagod ako dahil kay kuya!

Kinuha ko yung iPad ko at dumiretso na sa dining room.

"Sir, meryenda po." Sabi ni Manang Sha habang inaabot sa kin ung tray na may spaghetti at orange juice.

"Salamat po."

*Kring! Kring!*

Waah! Sila kuya! Sinagot ko ang tawag.

"KUYA!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko.

[Hoy! Masakit sa tenga!]

"Sorry kuya. Excited lang."

[Bakit?]

"Pupunta kasi sila Mae dito bukas."

[Nabasa mo na ba ung nasa kuwarto mo?]

"Ano un?"

[Basta, mahahanap mo un sa kuwarto mo]

"Ku- Takte!" Binabaan ba naman kasi ako!

Dumiretso na ako sa kuwarto ko. Pagkabukas ko ng pintuan, bmungad sa kin ung papel sa night stand ko. Kinuha ko un.

"Eto na ba ung sulat na sinasabi ni kuya?" Binuklat ko na lang at binasa.

"TJ, papuntahin mo si Camille sa kuwarto mo then papuntahin mo siya sa likod ng scenery ng New York sa kuwarto ko. Thank You."

"Hala bakit?"

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon