Chapter 2- Liking Each Other

434 11 1
                                    

Mark's POV

1st Day. Hatest day of school kasi magpapakilala ka sa harapan ng klase, wala kang kaibigan. Pero mali ako.

Oo, nagpakilala sa harapan ng klase pero may kaibigan ako. Si Rico at si Ca-. Teka, kaibigan lang ba talaga si Camille para sa 'kin?

Si Camille kasi hindi siya ung tipo na babae na tumitili kapag dumadaan ako. Oo, nerd siya pero alam kong maganda siya. Hindi niya lang pinapakita.

Inlove na ba ako sakanya?

--

Camille's POV

Bakit ako kinilig nung sinabi niyang........
"Camille, umayos ka nga!" Sabi ko sa sarili ko. "Mayabang daw siya eh!"

"Si ate Cams, in-love na!!!" Sabat ng kapatid ko.

"Hindi ako in-love!"

"Maniwala? Kaya pala kinakausap mo yang sarili mo."

"Tumigil ka nga!"

"Eh di tumigil!" Umalis na siya ng kuwarto ko. Haay! Salamat!

"Camille, tandaan mo to. Mayabang daw siya at wag kang papatol sa mga mayabang!"

"Daw lang naman pala eh! So hindi mo pa sure kung mayabang talaga siya!" Sabat na naman ni Mae

"Palaka naman oh!"

"FYI, hindi ako palaka noh? Tao ako!!!"
"Hindi halata!"

"He! Seryoso na nga ate! Sino ba yang gumugulo sa utak mo? Puwede mo naman akong pagsabihan ng mag sikreto mo eh! Kahit na palagi mo akong inaasar!"

"Be, ang haba!"

"Sabing seryoso na eh!"

"Eto na nga! Si ano siya. Si ano. Si..."

"Takte naman oh? Umayos ka nga!"

"Si ano. Si Mark. Si Mark Gonzales."

"Bakit naman yan nanggugulo sa isip mo?"

"Hindi ko nga alam kung bakit eh."

"Ang gulo mo kausap ate Cams!"

"Eh kasi magulo ngayon ang nararamdaman ko. Dahil sa kanya."

"Aha!!! Umamin ka rin!!!"

"Tumigil ka nga! Matulog ka na nga! May pasok ka pa bukas eh!"

"Ikaw hindi ka pa ba matutulog ate? May pasok ka pa diba tomorrow?"

"Sabi ko nga matutulog na ako! Layas na!!"

"Good night! Take care! Have a nightmare!! Iloveyou ate Cams!"

Kaya mahal na mahal ko yang kapatid kong yan eh!

-------------------------------------------------------------

Rico's POV

Napag-isipan kong pumunta kila Mark kasi may pag-uusapan pa kami.

"Manang, tulog na po ba si Mark?"

"Hindi ko po alam eh. Ipapatanong ko na lang po. Maupo po muna kayo." Sagot ni Manang Margaret

Habang hinihintay siya, nanonood ako ng superman kasi paborito namin siya ni Mark.

"DUDE!!"

"Ay putek!"

"Ano ba yan? Na sa pamamahay ko eh! Pag ikaw narinig ni TJ, lagot ako kay mommy eh!"

"Sorry na dude!"

"Ano bang pinunta mo dito? 9:00 na eh!"

"May pag-uusapan tayong napakaimportante."

Inaya niya akong pumunta sa kuwarto niya para dun mag-usap.

------------------------------------------------------------

Mark's POV

"GF mo ba talaga si Camille?" Panimula niya.

"Hindi dude pero ano. Ano."

"Upakan kita, gusto mo?"

"Ano kasi..."

"Isa!"

"Parang nagugustuhan ko na siya!"

"Jumackpot sa lotto!!!!"

"Hala!!" Sabat ni TJ, kapatid ko. "Kuya, may GF ka na? Bakit di ko alam? Sabihin mo sa kin! Bakit hindi?!?!"

"Kalma Tij. Wala pa akong GF. OA!"

"Oo nga Tij. Wag ka mag-alala. Ako nagbabantay sa kuya mo!"

"Thank you kuya Rico!!" Tapos niyakap niya si Rico.

"Matulog ka na nga dun Tij! Gabi na oh?"

"Opo, kuya sungit!!"

"Mabalik nga tayo sa usapan. Hindi mo talaga GF si Camille pero may balak ka ba?"

"Oo sana dude eh!"

"Eh di gawin mo! Simula bukas gawin mo na ang dapat na gawin mo"

"Sir Rico?" Si Manang Margaret.

"Bakit po manang?" Tanong ni Rico.

"Nagtext na po ang mama niyo. Umuwi na daw po kayo. May pasok pa daw po kayo bukas."

"Ah sige po, manang. Thank you po."

Umalis na si manang pero bago umalis si Rico, may sinabi muna siya.

"Galingan mo ha? No. 1 fan mo ko!" Umalis na talaga siya.

"Kaya ko to!"

My Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon