MBD 2.27 || She won't unless You will

1.9K 64 1
                                    

"Ahh.." Ungol ni Vice pagka-mulat ng mga mata niya. Mas ginulo pa niya ang buhok bago tuluyang tanggalin ang kumot sa ibabaw niya. Napansin naman niyang wala na sa tabi niya ang kanyang asawa kaya for sure ay nauna nanitong magising.

Dumeretso siya sa banyo ng kwarto upang maghilamos at manipilyo. Topless lang siya kung matulog at naka-shorts kaya nagsuot na siya ng simpleng white t-shirt at lumabas na ng kwarto.

"Argh, mommy 'dun ka sa tabi, susubukan ko lang naman," rinig niyang boses mula sa baba.

"For support lang naman e! Malay mo matumba ka," pag-aalalang sagot ni Karylle. Nang makasilip si Vice ay duon niya nakitang sinusubukang tumayo at maglakad mag-isa ni Luke nang walang saklay. Napahawak nalang si Vice sa buhok at sinusuklay ito ng mga daliri habang bumababa ng hagdan.

"'Di na nga po 'yan, ang tagal tagal na nito therefore I should walk on my own already. Sumpa ata 'to e, antagal tagal gumaling," malungkot na sabi ni Luke at umiling nalang bago sinubukang tumayo muna mula sa sofa.

Napa-smirk nalang si vice sa narinig. Hanggang ngayon ay di niya parin maintindihan kung bakit galit o may sama ng loob parin siya sa anak niya kahit na humingi na naman ito ng patawad.

"O! Vice gising ka na pala, good morning! Late ka na gumising ha, kain ka na." Sabi ni Karylle nang makita ang asawa. Napatingin si Vice sa orasan at 9am na pala at mukhang nasarapan siya sa pagtulog.

"Good morning," bati ni Vice at lumapit kay Karylle para halikan ito. Ngumiti nalang siya ng pilit kay Luke pero hindi siya inimikan ng binata.

Umalis na si Vice para kumain sa kusina at para di na maabala ang first step ni baby--este ang muling paglakad ni Luke.

Nakabantay lang si Karylle at kung saka-sakaling mahulog ito o ma-out of balance. Pursigidong tumayo si Luke at marahang iniyapak ang kanang paa niyang may injuring malala. Naka-benda parin ito pero di na tulad ng dati na may pang support.

Nang maka-tatlong hakbang si Luke, humarap siya kay Karylle na ngiting ngiti na. Pinagpatuloy lang ni. Luke ang paglalakad ng dahan dahan hanggang sa makarating ito sa kabilang sofa.

Pasalampak na naupo si Luke dito at bigla siyang niyakap ni Karylle sa tuwa.

"Eee! I'm so proud of you, baby!!" Sigaw ni Karylle at tinadtad ng short kisses si Luke.

"Mommyy, I'm not a baby anymore. 18 na ko," masungit na sabi nito habang umiiwas sa halik ng ina niya. #BinataProblems

"Whatever. Pero tignan mo kaya mo na naman pala. Exercise mo na 'yan ha? Do it daily hanggang sa mag tuloy tuloy na, gumagaling ka na malay mo pag galing mo gumising narin ang kapatid mo," masayang sabi nito.

Narinig naman ni Vice ang usapan nila habang lumalafang siya ng bacon sa may kusina. Napangisi nalang siya at umiling.

"Viceey! Nakakalakad na si Luke o!" Balita ni Karylle nang nakasigaw.

"Talaga? Sige pagpatuloy mo 'yan," sabi ni Vice mula sa kusina pero mapapansin mo ang sarcasm sa kanyang pananalita.

🌟🌟🌟🌟🌟

KARYLLE

Hay, hindi ko talaga alam kung paano babalik sa dati 'tong mag-amang 'to. Gusto kong mabalik 'yung kakulitan nila dati, nakakamiss kasi. Gusto ko narin silang mag-imikan kasi wala namang mangyayari kung habambuhay pa silang tameme sa isa't isa.

I think this is the problem why Ana isn't waking up yet.

She won't unless they will. Unless they will bring back the happy moments or simply the happiness.

My Beki DadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora