MBD 2.29 | TeamPogi o TeamGwapo

2.1K 67 7
                                    

VICE

"Ana Karylle umuwi ka na! Hindi ko na kaya 'tong kademonyohan ng anak mo!" Pagsusumbong ko kay Karylle. Tumawag kasi siya sa landline at buti ako ang nakasagot.

"Really? Baka naman ikaw ang sutil d'yan? Ang bait bait ng anak ko e," Hwaw! So siya pa ang kinampihan? E di wow.

"Jeske. Sinong mabait? 'Di ba uuwi ka na, mahal? Mamayang gabi ba?" Tanong ko at tinaas ang paa ko sa may table sa gitna.

"Umm.. I changed my mind, mukhang nag-eenjoy pa kasi kayo ni Luke d'yan. Bukas ng umaga na ako uuwi ha?"

"NO! Uwi ka na, please. Saka namimiss na kita..." Paglalambing ko para kumbinsihin siyang umuwi.

"Namimiss mo ko? O ang phone mo?" I heard her giggle. Pinagtatawanan pa ako ah?

"Oi hindi a! Miss na talaga kita, seryoso. Pero anyway, nasan ka ba? Wala ka namang binanggit nung umalis ka ah," I pouted as if namang makikita niya.

"Secret. Basta I'm okay dito. Wala kang dapat ipag-alala," She assured. Siguraduhin niyang walang boylet diyan kundi hindi ko na siya papapasukin dito sa pamamahay ko.

"Tch. Basta bukas ng umaga uuwi ka na ha?"

"Yup, basta alagaan mo si Luke. Make sure mabuti na kayo pag uwi ko, I love y-"

"DAAAD! Andyan na yung Jolibee kunin mo na!" Rinig kong sigaw ni Luke galing sa taas. Nako lagot. Bunganga naman nito parang kapatid ko!

Nanlaki ang mga mata ko at agad na tinakpag ang ilalim na part ng telephone. Pero. I'm late.

"M-mahal andyan ka pa ba?" Kinakabahan kong tanong.

"Yah. I'm still here and I heard it clearly. Nagpapa-deliver ka nanaman, Viceral? Ang dami ko na ngang iniwang pwedeng lutuin d'yan then magpapa deliver ka pa? Tsk!! Errrr! Pag-uwi ko talaga malalagot ka sakin bakla ka. Ang tamad tamad mo!"

Sasagot na sana ako nang maputol na ang linya. Shit. Nabuking nanaman ng misis ko ang katamaran ko.

"ONE POINT FOR GWAPO!" Sigaw niya. Urrrrr!

Padabog akong tumayo para kunin 'yung pina-deliver kong lunch na Jolibee Maligayang manok. OO! Fried Chicken nanaman! Pero nag-order din naman ako ng spaghetti kaya hindi kami mauuta ng Hari. Si Luke.

======

Tahimik kaming kumakain. Para kaming mga siraulo; nakatingin ako nang masama kay Luke habang kumakagat kasi nalagot nanaman ako kay Karylle. Siya? Ngiting ngiti at naghahagikgik pa habang huminigop ng spaghetti.

"Tatawa tawa ka dyan?" Masungit kong tanong.

"Masama?" Sagot niya nang nakangisi.

"Heh! Bahala ka nga, itapon mo 'yang lahat pag tapos ka na, linisin mo 'tong mesa," utos ko pagkatapos kong kumain at tumayo. Tawa parin siya nang tawa kahit na sa kanya ko na inatasa 'tong paglilinis. Loko loko talaga. Mukhang hindi lang binti ang may diperensya dito e, mukhang pati ulo.

"Pero hindi ako pinapalinis ni mommy ng kinainan. Sige ka isusumbong kit-"

"FINE! Stupid!" Asar kong sigaw at nagdadadabog na niligpit ang mga paper bag ng Jollibee.

"Oye, 2 points for Gwapo!" Sabi niya at alalay na tumayo pagkakuha niya sa saklay niya.

====

Nasa kwarto ako at nagja- nagjajaming sa music na Sugar. Ngiting tagumpay ako kasi may kalokohan nanaman akong ginawa at naisip. Halos magusot na ang buong sapin ng kama namin ni K sa kaiikot ko kasi nae-excite ako sa mangyayari.

My Beki DadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora