Ispesyal na Kabanata #2

3.7K 85 38
                                    

Ariana's POV

Hanggang ngayon hindi parin ako makaisip ng name ni baby. Si mommy naman kasi masyadong biglaan, excited? Pero bakit si Daddy lang may Ferrari kami wala? Sabagay, ano bang tinulong namin nung gumawa ng baby 'di ba? Lol.

Nakahiga lang ako sa malambot kong kama, thinking of a baby's name. I still can't think of a nice one. Umikot ikot ako sa kama nang may maramdaman akong matigas. Ay, naiwan ni Luke ang red niyang relo. Close to pink narin 'di ba?

Nilagay ko nalang sa side table ang relo ni Luke. Tinatamad pa akong ibalik.

And.. Speaking of Luke, wala ba kayong napapansin? Isn't obvious? I doubt he's also a.... Gay. The way he acts, he's always ... Masunget, then his words kanina made me shock kaya! Where did he even learned that words? Deny pa nang deny, sus. Namamana rin pala ang kabaklaan.

I think I still need to figure it out. Hmp, Luke Vrylle, hindi kita tatantanan. Ay sa kabila pala yun.

Sinubukan kong ibalik yung relo ni Luke sa kwarto niya so I could check him. Magaala Spy lang ako.

Pero may girlfriend naman siya kung bakla siya, pero si dad nga may asawa pero bakla. Ano bang kinokonsensya ko kung bakla si Luke? Anong gagawin ko kung oo? Tapos mapapahiya lang ako kung hindi?

Binuksan ko ng dahan dahan ang kwarto niya, he's sleeping na. Nakadapa pa siya habang natutulog at naghihihilik na. I placed his watch on top of the side table. Binuksan ko naman yung maliit na drawer sa side table niya. Mangingialam lang ako.

Hanggang sa may makita akong.... Lipgloss. Shit confirmed!

Napatakip ako ng bibig. How could he? Imposibleng makakabili siya nito kasi nakakahiya naman ang gwapo niya tapos bibili ng lipgloss.

"Hindi ako bakla. Kay Samantha yan, naiwan niya. Bakit ba pinaghihinalaan mo ako?" I was startled by that deep voice.

"H-hindi ha! Hindi naman kita pinaghihinalaan. Nakita ko lang e, ibabalik ko naman. 'To talaga, o yung relo mo andito na." Palusot ko at agad na lumabas.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

GENERAL

Samantala....

"Pogi.. Wake up.." Pambubulabog ni Karylle sa mahimbing na tulog ni Vice. Niyugyog yugyog pa niya ito ng malakas hanggang sa mabwisit na si Vice.

"Ano nanaman, Keeey? (K). Dalawang oras palang ang tulog ko at 3am na. K, let me sleep please." Pakiusap niya habang inaalis ang kamay ni Karylle na humihila sa damit niya.

"Eee.. Nauuhaw ako,"

"Bumaba ka. May paa ka naman 'di ba? Inaantok lang talaga ako sa kauutos mo kanina. Wini-waste mo ang beauty ko." Nag-tuck nalang sa loob ng kumot si Vice pero di siya tinantanan ni K.

"Vice! Nauuhaw ako pero natatakot akong bumaba. Ang dilim dilim. 'Di mo na ba ako love kaya ganyan ka na?" Pag-iinarte ni Karylle. Naupo na ito sa kama at tumalikod kay Vice na parang natatampo.

"Baby, 'di na tayo love ng daddy mo. Ang bad niya nuh? Okay lang yan, bakla naman e." Hinimas himas pa niya ang tyan niyang flat na animoy kinakausap ang baby niyang mahigit isang buwan palang sa loob.

"Wag kang mag-alala, baby. Pag hindi na tayo love ni daddy, tayo naman ang pupunta ng London tapos babalik tayo after 17 years ha." Nagpaparinig pa ito kay Vice. Para lang siyang batang naglalabas ng hinaing.

"Hindi na niya love si mommy, baby. Nakakatampo na ang daddy mo, gusto ko lang naman magpasama kasi natatakot si mommy e. Nauuha-"

"Ang dami mo pang dada. Alam mo namang hindi kita matitiis e, oh." Singit ni Vice sabay abot ng baso ng tubig kay Karylle.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Beki DadWhere stories live. Discover now