MBD 3 || You

2.8K 65 1
                                    

/MyBekiDad3/

"...Dad, what's this?" Tanong ni Ariana nang may iabot na magazine malapit sa isang dyaryong nakita niya. Napakunot ang noo ng ama nang makita kung sino ba ang nais ipakita ng kanyang anak sa kanya. Isang model ng bench sa magazine at halatang model ito ng mga ladies' wear saka naka-plain jeans at bra lang ito sa picture.

"She's?..."

"She's a model?" Tanong ni Vice at kinuha ang magazing hawak ni Ana. Nakisilip rin ang lalaking anak at masuring tinignan ang litrato.

"You knew it?" Tanong ni Luke sabay subo ng pizza.

"No, no I don't even know every single detail about her this time. M-model na pala siya... Model pala si.. Karylle." Mahinang sambit ni Vice at isinara ang magazine bago ito ibalik sa ilalim na lalagyan ng center table.

"That's mom now? Oh my god. It's still her.. But she's sexier---" bago pa man matapos ang sasabihin ni Luke ay binatukan na siya ni Vice.

"Magtigil tigil ka." Kamoanteng sagot ni Vice at umiling nalang.

--------

Kasalukuyang naggagala gala sa isang mall ang tatlong Viceral. Sinubukan kasi ni Vice na sanayin ang mga anak sa kung ano anong lugar dito dahil hindi naman nila ito gaanong kabisado dahil anim na taon palang ang dalawa nang lumisan ng bansa.

Pabagsak bagsak ang ulo ng binatang anak habang sinusundan ang bawat beat ng musika sa kanyang tainga dahil sa headphones. Napapa-iling nalang si Vice dahil parang wala itong paki sa pinupuntahan nila at hindi interesado.

Naka-akbay lamang si Vice sa babaeng anak na hindi magkamayaw sa katitingin sa bawat glass window ng mga sapatos o damit at tuwang tuwa naman si Vice dito. Kapag inaaya ang amang mamili ay hinahayaan na lamang ni Vice pero agad din itong lalabas at sasabihing walang natipuhan.

"Gutom na ba kayo?" Tanong ni Vice pagkatapos tignan kung anong oras na sa kanyang phone. "Psst huy! Sabi ko kung gutom na ba kayo," muli niyang tanong para makuha ang atensyon ng dalawang anak.

"Yup." Sagot ng dalawa.

"Saan niyo ba gusto?" Tanong muli ng ama.

"Wild Honey." Simpleng sagot ni Luke.

"No! Maggie Jones da--" hindi pag-sang-ayon ni Ariana pero agad siyang pinutol ni Vice.

"Mga inutil ba kayo? Wala 'nun dito sa Pilipinas. Tsk, dalawang 'to.." Naiiling na sinabi ni Vice at nilagay ang kamay sa bulsa.

"Ugh, Philippines is so boring..." Luke idly said and looked away.

"Boring boring.. Ts, masanay na kayo. Dito na tayo titira panghabambuhay hindi na sa London, alright? Pilipino kayo baka nakakalimutan niyo lang. Never mind. Ano, saan ba. Ang meron lang dito sa mall, Jollibug, Mcdonald Duck, redwich, shekiss, pizza hut, army navy, ma--" biglang kumunot ang noo ni Vice nang may nalansing isang taong lumihis sa paningin niya mula sa di kalayuang direksyon. Kilala niya ang pigurang iyon pero nagdalawang isip parin siya at hindi naniwalang yung taong iniisip niya ang nakita.

"What else?" Tanong ni Luke kaya nabalik sa ulirat si Vice at umiling para ayusin ang sarili niya.

'No, Vice. It's not her. You're getting insane again..' Bulong ni Vice sa sariling habang naghihilamos ng mukha gamit ang dalawang palad. "Y-Yah, l-let's just eat on redwich... Tara.." Biglang sabi ni Vice at di na pinapili ang mga anak kung saan kakain kaya sumunod nalang ang dalawa sa kanya.

My Beki DadWhere stories live. Discover now