MBD 17 || Beke Nemen

3K 75 6
                                    

Gusto ko kayong paiyakin kaya may ginagawa akong bagong story. ~ SCARED TO DEATH. shooshSoooon@

5k in 29 days. Thanks :)

~~~~~

VICE'S POV

Andito ko ngayon sa sala at nanunuod ng echoserang Peach Perfect na pinapanood ni Ana. Di nga ako maka-relate eh. Kaya humiga nalang ako sa sofa at hinawi hawi ang buhok niya. She's sitting on the floor kasi at may unan sa lap niya.

Wala si Luke, ayun dinate ang jowa niya. Okay lang 'yun, he knows what he's doing na naman eh.

11:30 na pero di parin ako nakakaluto. Tinatamad ako eh, bakit ba. Saka pupunta rin naman kasi si Karylle dito. Hindi pwedeng hindi kasi.....

"VICE!" I told ya,. Bumangon ako at naupo nalang bago siya malumanay na tinignan. 'Yun parin ang suot niya. Yung soot niya kahapon. Hahaha! Ang ganda sana ang dumi naman!

Pati si Ariana napasilip narin sa likod, sa may pinto dahil sa sigaw ni Karylle.

"Where the hell are my things?!" Sigaw niya. Abe malay ko.

"Ba't dito mo hinahanap. Malay mo nakay Vhong." Pangangasar ko. Oo nagseselos ako, kung makalapit at makahawak ba naman sa isa't isa eh! Parang mas nagawa niya pa yun kay Karylle kesa sakin.

"Eesh! Ano ba, Viceral! I'm serious! Nasaan ang mga gamit ko?! Text ako ng text sayo kahapon para magpasundo kasi sabi mo itext nalang kita but what?! I didn't even get a single reply from you! Buti nalang andun pa si Vhong kaya hinatid niya na ako sa bahay ni mama then pag-uwi ko sabi ni mama kinuha mo na raw mga gamit ko!" Blahblah. Push mo yan teh,

"Eh nandun naman pala si Vhong eh. Eh di wow." walang emosyon kong sagot sa sigaw niya. Humarap nalang uli ako sa tv at nanuod, pero si Ana parang wala talagang pakialam samin. Paborito niya kasi 'to eh, 214 times niya na ata 'tong napanood.

"Buti nga andun siya eh!"

"Edi wow." Umirap nalang ako. Kinukulit ko lang 'to, ang cute niyankasing magalit.

"Vice humarap ka nga! Tell me where are my things?! Lahat ng damit ko?! My kits?! Nasaan?!" HB nanaman ang gaga oh! Kung di lang kita mahal kanina ko pa sinaksakan ng hotdog yan bunganga mo gaya ng sa kapatid ko!

"Nakay Vhong na nga! Kras mo naman 'yon eh, dun ka na."

"Urgh! Stupid! Kasi naman Vice!! Tignan mo wala nga akong nasuot kagabi oh! Ba't mo ba kasi kinuha sa bahay yung mga gamit ko?" Inis niyang sabi. Tumayo nalang ako at hinarap siya, mahirap na, baka umiyak na 'to. I took her bag at inikagay sa sofa, gentleman kasi ako eh.

"Gusto mo talagang malaman?" I asked. Kulang nalang magkadikit yung kilay niya sa sobrang pag kunot.

I moved closer hanggang naabot na ng labi ko ang tenga niya.

"You'll live here, whether you like it or not." Seryoso kong sambit sa tainga niya at nagnakaw ng halik.... Sa pisngi lang. Baka kasi jombagin nanaman ako nito eh. Ewan ki ba dito, pag kinikilig, nananakit.

"F-for real?"

"Ay hindi, sige kunin mo na ang mga gamit mo at lumipat ka na kay Vhong, ihatid pa kita, gusto mo?" Pamimilosopo ko at tumalikod. Kabokot naman si K, ang slow!

"Eee, nagseselos ka ba, Pogi?" Mood swings? Kanina galit? Ngayon sweet? Baliw na ba 'to? Di ko siya sinagot at dire-diretso lang akong umakyat papunta sa kwarto, NAMIN. Ramdam ko namang sinusundan niya ako.

My Beki DadOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz