MBD 13 || Hu u?

2.4K 69 4
                                    


"Hoy mga iho't iha....." Striktong bungad ni Vice sa dalawa niyang anak eksaktong pagdating niya sa bahay mula sa paghatid kay Karylle. 9 na ng gabi siya nakauwi dahil inenjoy niya pa ang moment kasama si Karylle sa kanilang dinner kanina na inihanda ng kambal.

Napatigil sa pagtungga ng 1.5 liters ng RoyalCoke si Luke na nakahilata sa sofa, at napalingon naman si Ana mula sa pagnood ng Ms. Universe replay at bagot na bagot dahil di natawag sa Top 5 si MJackson este MJ.

"Yes, dad?" Tanong ni Ariana habang binibigyan ng mapanlokong ngiti at tingin si Vice.

"You enjoyed?"

"'Twas fun?"

"Sweet?"

"Howd'y--"

"WAAAH! NAHALIKAN KO ULI SI KURBAAA!!" Sigaw ni Vice na nagtatatalon pa sa harap ng dalawa. Yung kaninang mukha ni Vice na seryosong seryoso, ay napalitan ng mukhang parang kalalabas lang at kakakawala lang sa rehab. Di pansin ang pagkilig ni Vice nung kasama niya si Karylle dahil ayaw naman niyang ipahalata ito dahil nahihiya siya.

"Pasalamat ka samin!" Kunot noong sabi ni Luke at pinunasan ang mga tulo-tulong RoyalCoke sa kanyang labi.

"Oo nga pala..." Bumalik ang seryosong mukha ni Vice at pumamewang pa kaya't napagkamalan na siyang baliw ng dalawa na sa papalit palit ng mood.

"Saan kayo kumuha ng pambayad sa venue, sa mga papel, sa mga bulaklak, sa panot na waiter, at sa echoserong romantic music doon ha?" Singhal ni Vice at pumamewang.

"Kay tita An-- este sa wallet ko pala.. Oo, wallet naming dalawa." Sagot ni Luke at medyo pinawisan.

"Ahh. Okay.. Babayaran ko nalang kayo ha? Dadagdagan ko mga allowance niyo, plus, sa FEU ko na talaga kayo ieenroll next year promise." Sabi ni Vice na nagpalaki ng mga mata ng dalawa. Ayaw kasi ni Vice na sa FEU ito mag-college dahil 'dun nga siya galing at di niya feel na safe sila 'doon. Gusto niya sanang sa Ateneo ang dalawa pero nagbago na ata ang isip niya. "Keep it up! Kinikilig ang mudra niyo! Haha!" Mapanlokong sagot ni. Vice at paspasang umakyat sa kwarto niya.

Pagkarating niya sa kwarto.....

"OOWW MAYY GHAAD." Pagwawala niya nang makatalon sa kama niya ng padapa. Di parin siya nakakapag-move on sa kilig.

Nginatngat ang kumot; ginulo ang cover; hinagis ang mga unan; tinalunan ang kama; nagtititili; sinuntok ang headboard sa kilig.

VICE's POV

Mayghad! Syet bakla nga ako pero kinikilig talaga ako sa babae! Jusko, tutoy welcome to the world again! Sana maulit pa 'yun, sana mahalikan ko ulit si Karylle. Namiss ko 'yun eh, yung ako talaga ang hahalik. Yung walang pumipigil.

Karylle tatlong buwan palang kami dito sa Pinas na-convert mo nanaman ako! Akala ko 'dormant' na si junjun eh! Nung hinalikan kita nag-erupt ba naman. Matext nga 'tong sakang na 'to.

Nakuha ko number niya kay Vhong, kaibigan namin dati ni Karylle. Actually ka co-model siya ni Karylle sa bench.

To: KarelMayLabs

'Hi miss.. Sunduin kita bukas ha?'

Ieee! Kinikilig nanaman ako, alam kong pati 'yung author dyan. Muntanga kasi siya eh.
Bigla nalang nagpop uli yung message. Hala nagreply si Karylle My Loves!

From: KarelMayLabs

'Hu u?'

Hwaw ha? Matapos ko siyang mahawakan sa kamay kanina, makasama sa dinner, mahalikan, HU U? lang ang bagsak sakin? Yung totoo..

My Beki DadTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang