MBD 12 || Suitor-Husband

2.7K 66 3
                                    

"Saan niyo ba kami dadalhin? 'Yang mga trip niyo ha! Pag-umpugin ko mga ulo niyo." Kunot noong sumbat ni Vice sa kambal.

Pangiti ngiti nalang si Luke na kasalukuyang nagda-drive ngayon papunta sa hindi-alam-na-lugar ng mag-asawa. In short, magkasabwat silang magkapatid.

"Luke, saan ba kasi tayo pupunta? Mag-gagabi na oh.." Sabi ni Karylle habang kampanteng nakaupo sa likod ni Luke.

"Secret mom. Basta relax lang kasi muna kayo. Maganda 'to." Ngising sabi ni Luke at tumingin sa may salamin bago kumindat.

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋💞

"Konti nalang malapit na, dad, mom.." Sabi ni Luke habang inaalalayan nila ng kapatid sina Vice at Karylle na kasalukuyang naka-blind fold.

Lumubog na ang araw at madilim ang paligid ng pinagdalhan ng kambal sa kanilang mga magulang.. Maging sina Karylle ay nagtataka kung para saan ba itong ginagawa nila.

Nagpadala nalang sila Vice at Karylle o nag-go with the flow sa gusto ng kambal. May mga nararamdaman ang mag-asawa na malalambot na naapakan at halatang nakakalat ito sasahig hanggang sa...

"Bye mom, bye dad..." Sabay na sabi ng dalawa matapos tanggalin ang blind fold ni K at Vice bago sila tumakbo.

"Oy! Hoy ano 'to?! LUKE!! ANA!!" Sigaw ni Vice dahil madilim talaga ang paligid.

"V-Vice?" Sabi ni Karylle na patuloy parin sa pagkapa kung nasaan si Vice. Si Vice naman ay ganun' din, kapa ng kapa hanggang sa mahablot na niya ang kamay ni Karylle.

"K, wag kang bibitiw sa kamay ko. Hahanapin natin 'yang dalawang mokong na 'yan at kung saan saan tayo dinadal---- e-eh?" Bigla nalang nagbukas at lumiwanag ang paligid.

Nagpalibot libot ang mga mata nilang dalawa sa mga puno na puno ng mga hearts made of paper at iba't iba pang mga abubot. Nag-agaw atensyon naman sa kanila ang mga rose petals na nakakalat sa sahig, pati ang mga litrato nilang mag-asawa na: nakasabit sa isang tali, mayroon ding nakalitaw sa mga puno, at ang mga nasa sahig.

Sa dulo ng mga nakakalat na rose petals, may isang table na may picture sa frame nilang mag-asawa nung kasal nila; na magkahalikan.

"A-ano 'to, Vice?" Tanong ni Karylle na hindi namamalayang magkahawak parin sila ng kamay ng asawa.

"Hindi ko alam, K..." Walang emosyong sagot ni Vice at naaamuse parin sa mga nakikita.

Kinuha nalang ni Vice ang isang pink envelope na nakasabit sa puno. Nakangiti siya sa nakasulat sa likod nito at alam na alam niya kun sino ang gumawa.

Hi Daddy Beks.

Nakasulat sa labas ng envelope which is tinignan rin ni Karylle.

"I know this is weird but just go with the flow my beki dad.. Just open the box above the table and give it to mommy huh? Wag KJ bakla... Pag di mo ginawa yan bakla ka."
. 💞LV & AV

Napatingin na lamang si Vice kay Karylle at ngumiti sa hindi alam na dahilan. Ngiti nalang rin ang ibinaling ni Vice sa asawa at muling hinawakan ang kamay nito. 'Mga anak ko talaga kayo.' Usal ni Vice sa sarili habang inaalalayang makalakad si Karylle papunta sa dulo kung nasaan ang table for two.

"Upo ka na, Karylle." Sumunod nalang sa alon ang bakla. Abot tengang ngiti ang labi niya pero hindi niya maintindihan kung kinikilig ba siya o natatae.

"Para san ba 'to?" K asked.

"Basta, di ko rin alam pero I find it sweet.." Sabi ni Vice nang makaupo na si Karylle.

My Beki DadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora