MBD 4 || Blackmailed

2.9K 77 0
                                    

Continuation....

Vice gave his son the car keys as he wait for their order and take it out instead.

While walking... Luke was screaming quietly inside him. Feeling hurt, abandoned, and anger. He never felt how to be loved, cared, comfort by a mother. In short, he really hates Karylle.

"Ugh!" He shouted and walked faster and left K and his twin sister Ana.

Ariana just walked slowly, following her mom. Actually she didn't even felt anger when she saw her. As so as Vice. She doesn't know why.

"Kuya! Slow down! Di ko memorize 'tong lugar ano ba..." Sabi nito sa kapatid na mabilisang naglalakad.

"Alam naman niyang kasama mo!" Sigaw nito pabalik pero hinabol siya ni Ariana at hinawakan ito sa braso. "What now?!"

"Can you please act normal at least once in your life?! You're acting like a baby longing for a milk from a mom but you don't even have a mo--"

"Exaclty! That's how I feel, Ana.. Longing for a mom but I don't even have one! Shit!" Sigaw muli nito at naglakad na papunta ng parking lot kung nasaan ang sasakyan nila.

Naunang naglakad si Luke habang sinusundan nalang siya ni Ariana at Karylle. Nang makarating sa sasakyang magara ni Vice, pinauna na ni Arianang makasakay si Karylle bago si Luke. Nag-excuse muna ang huli bago sarahan ng kaunti ang pinto para makapag-usap muna sila ng kapatid.

"Ano ba?! Gusto ko ng sumakay pagod na ako, Ana!" Reklamo ni Luke na may masamang tingin kay Ariana.

"Luke, what was that? Can't you show respect to our own MOM?! Kuya lagi ka nalang ganyan eh. Kapag napag-uusapan tungkol kay mommy nagwawala ka. Nagagalit ka. Parang ang laki laki ng kasalanan nung tao sayo!" Sumbat nito.

"Oo naman talaga ha! Malaking malaki! Iwan ka ba naman ng sariling mong ina hindi ka magdadamdam? Ariana manhid ka na ba? Iniwan tayo niyan ng dahil lang sa lalake niya! See? Mas importante pa 'yun kesa satin! Kahit anong gawin mo, I.Hate.Her." Pagmamatigas nito at akmang bubuksan na ang pinto kaso pinigilan muli siya ni Ariana. "Bitiwan mo nga ako! Ana naman, oo kambal tayo pero mas matanda ako sayo kaya sundin mo naman ako! Hinding hindi ko na hahayaang mabalik pa satin 'yan!" Sabi ni Luke at sumandal nalang sa sasakyan habang hinihimas ang kanyang sintido.

"Yun nga eh, Kuya. Mas matanda ka. Pero pwede ba kahit once lang... ako naman yung sundin mo?." Napa-angat ng ulo si Luke at tumingin sa kapatid. "She's still our mother. Kahit anong gawin mo, hindi yun mababago. Kuya lahat nalang ba pag-aawayan natin? Di'ba kambal tayo? Dapat magkasundo tayo? Pero ano?"

"Wala akong pake. Bahala ka sa buhay mo. Whether you like it or not, I hate that woman. And I will never love her.. again. Magsama kayo. Tutal hindi naman kayo nakakaramdam kung paano masaktan. Alam mo kaya hindi na ako nasasaktan kapag iniiwan ako ng mga babaeng minahal ko? Kasi bata palang ako natutunan ko na yun. Naramdaman ko na. Kaya please. Ayoko." Pagmamatigas ni Luke.

"You're so stupid, Luke how could you not forgive your own mot--"

"Stop Ari! Nakakarindi na! Hindi ka makuha sa isang salita! Gusto mo bang kamuhian narin kita?! Anong nangyari sa mga 'i hate her i hate her' mo noon?! Ano naglaho nalang bigla na parang bula?! Then you're saying that I'm so stupid this time?! God Ana!..." Sabi ni Luke at umiling habang pumapasok sa sasakyan at papunta sa likod pero may pahabol pa. "I am so cursed to be your twin brother. And I am so cursed that you became my sister." Pahabol nito kaya pumatak ng bahagya ang luha ni Ariana.

Lingid sa kaalaman nila ay kanina pa naririnig ni Karylle ang bangayan nila sa labas dahil bahagyang nakabukas ang pintuan ng kotse ni Vice. Ramdam niya ang hindi pagtanggap muli sa kanya ng lalaking anak kaya parang tinusok o sinaksak siya ng milliong milliong kutsilyo, lagare, chainsaw, ita-- yun lang sa kanyang puso.

My Beki DadWhere stories live. Discover now