MBD 8 || Look, Luke

2.6K 71 0
                                    


"You've been a great dad, Vice. I'm so proud of you."

-Karylle

'Yan agad ang nabasa ni Vice sa isang sticky note na nakadikit sa noo niya pagkagising niya. Tumingin siya sa tabi at agad na nagpanic ng makitang wala si Karylle. Tinignan niya ito sa banyo ng kwarto ng hotel pero wala. Tulog parin ang dalawa niyang anak kaya nahihiya naman siyang istorbohin ang mga ito.

Tumakbo siya palabas dahil kinutuban na baka umalis si Karylle nang hindi niya nalalaman pero nilamon lang pala siya ng pag-aalala dahil nakita niyang nakangiti pang nagluluto ng pagkain si Karylle. Hindi siya nahahalata nito kaya nagpunta muna siya sa isang tabi at sumandal habang pinanunuod ang asawang magluto, gaya lang rin ng dating kinagawian.

Maya maya lang ay nakaisip nanaman ng kalokohan ang bakla at agad na pinaskil ang sticky note na nakadikit sa noo niya kanina sa kili kili ni Karylle na kasalukuyang hawak ang spatula na nagluluto kaya napatalon ito ng kaunti sa gulat.

"My gad! V-Vice! Nakakagulat ka," sabi ni Karylle na napasandal sa counter. Tawang tawa naman siyang pinagmamasdan ni Vice na tanggalin ang papel sa kilikili niya. Inilapag nalang ito ni Karylle at napailing.

"Ang kulit kulit mo talagang bakla ka," banat ni Karylle na ipinagpatuloy na ang pagluluto.

"Ang kulot kulot mo talagang sakang ka," hirit pabalik ni Bakla at humalakhak nanaman sa tawa. Nagpout nalang si Karylle at binigyan ng masamang tingin si Vice na may halong kalokohan. Dahan dahang ginapang ni Karylle ang kamah niya para buksan ang gripo at sumalok ng maraming tubig bago ihagis sa baklang asawa.

"MAYGAAD! Karylle bastos ano ba 'yan, ayoko pang maligo!" Angil ni Vice, para silang batang naglalaro ng tubig at tawanan ng tawanan. Kahit na ayaw ni Vice, pinagpatuloy parin ng dalaga ang pag pilansik ng tubig kay Vice kaya gumanti naman ang huli. "Haha! Kala mo ikaw lang ha?"

"Hahaha!" Tawa ni Karylle dahil pakembot kembot na tumatakbo si Vice paikot sa mesa habang hinahabol ng pilansik ng tubig si Karylle. Nang maka-ikot, kukuha pa sana ng tubig ang dalaga kaso inawat siya ni Vice nang yakapin ito sa bewang mula sa likod.

Nang marealize na magkalapit sila sa isa't isa, unti unti lumingon si Karylle sa likod at nakaharap si Vice. Ramdam niya ang mainit na hininga ni Vice sa kanyang leeg. 2 inches nalang ang pagitan ng mga mukha nila at halos magkadikit na ang matatangos nilang ilong. Bumababa ang mga tingin ni Karylle mula sa mata ng binata hanggang sa labi nito. Si Vice, nakatuon lang ang mata sa mata ni Karylle habang nakapulupot parin ang braso sa bewang ni K.

Dahang dahang tumatagilid ang mukha ni Vice at maaaring maglapit na ang kanilang labi. Si Karylle naman ay tutok na sa mata nito at dahan dahang rin napapapikit nannagbabakasakaling itutuloy ni Vice ang halik. Mas naturn on si Karylle nang mas maramdaman ang hininga ng binata na lumalapit na sa kanya. Amoy na amoy niya narin ang pabango ni Vice na halos araw araw niyang ginagamit na ikinabango niya. Maglalapit na ang kanilang la---

"Ba't basa?!" Sigaw ng isang boses lalaki na kalalabas lang ng kwarto. Nanlaki ang mata ng dalawa pero huli na sila dahil nakita na sila ni Luke sa ganung posisyon. Napa-'tss' nalang si Luke at hindi pinansin silang dalawa. Bumitaw naman si Vice at gaya ng ginagawa, parang kinalimutan nalang niya ang nangyari at medyo nahiya.

"A-ah.. Sige na K, baka nasusunog na yung niluluto mo.... Nagagwapuhan ka nanaman sakin." Mayabang na sinabi ni Vice habang kumikindat. Umirap nalang si Karylle na may kasamang ngiti. Bumalik sa kwarto si vice upang ayusin ang pinaghigaan nila ni Karylle at nakitang tulog parin ang babaeng anak kaya dating gawi, ginagamit niya ang bunganga, one of the special talents of out parents.

My Beki DadWhere stories live. Discover now