MBD 2.30 | Pogi Back to Zero

1.7K 51 1
                                    

VICE

Maglilimang minuto na akong nandito sa kwarto ko galing sa baba pero parang nako-konsensya ako. Bakit ba? E nagbibiro lang naman si Luke ha?

Pero parang hindi e. Pero pag niloko niya lang pala ako maiinis ako? Argh! Ewan e, alam ko namang best actor yang batang yan peronagdadalawang isip parin ako.

Dinala na ako ng konsensya ko kaya napatayo ako bigla sa kama para silipin si Luke. Sinilip ko siya sa kwarto niya pero wala siya. Shet. Totoo nga. Sumilip ako mula sa taas and there he is. Nandun parin sa sahig kasi nakikita ko ang konting reflection niya sa dilim.

"L-Luke?!" Kabado kong sigaw at paspasang bumaba ng hagdan para tulungan siya. Tch! Viceral didn't you think na mapapahamak ang anak mo sa ginawa mo?!

"D-dad.. Arrghh.." He groaned.

"S-sorry! Sorry sorry, nak. Pasensya na hindi ko naman to sinasadyang mangyari, t-tara d-dadalhin muna kita sa kwarto mo." natataranta kong inilagay ang braso niya sa balikat ko habang inaalalayan ko siyang makatayo.

"Sorry talaga, Luke.. Sorry, m-masakit ba?" Tanong ko habang paakyat kami ng dahan dahan sa phagdan at rinig ko parin ang maliliit niyang ungol dahil sa sakit.

"Ano sa tingin mo?! My leg hardly hit the ground, idiot!" Nagtatanong lang galit agad? (214 words)

Hindi pa ako sumagot hanggang sa makarating na kami sa kwarto niya at ibinaba ko na siya sa kama niya. Namimilipit parin siya sa sakin kaya halos tumalon na yung puso ko palabas sa sobrang kabog.

"Mommy!!" Sigaw niya.

"P-paano ba-a-ano, ano bang ginagawa ng mommy mo pag ano pag ganito?!" Tanong ko habang natataranta na.

"I-I don't know!! It never happened to me before!"

"E anong gagawin ko?!"

"Siguro kantahan mo para gumaling."

"Tangina naman Luke! Ako yung kinakabahan sayo e!" Reklamo ko at napasabunot.

"M-malayo naman sa bituka 'to-aarrggh! Bakla ka talaga!"

"Malayo nga sa bituka mo e kung maka-ungol ka sa sakit parang mas nahirapan ka pa nung inire ka ng mommy mo. Ano nga kasi?!" Pamimilit ko kasi di ko naman pwedeng hayaang ganto lang siya.

"Call mom!" Pasigaw niyang sabi at napapapikit parin sa sakit.

"What?! NO! No way! Mapapagalitan pa ako ni Karylle noh! Kaya ko 'to." Pagmamatigas koara lang huwag matawagan si Karylle kasi sermon ang aabutan ko pag tinawagan ko siya.

"Call mom or I'll die?"

"Then die!" Sagot ko. "Charot lang, ito naman oh. On the way na daw si Ana e, wag mo na raw sunduin. Kaya na niya,"

Bumaba na ako nang mabilisan para tumawag sa telepono. Pwede namang tumawag dito sa phone e, kaya dinial ko na ang number ni Kumander. Magte-10pm na at tingin ko tulog na si Karylle kung nasaan man siya, sana naman sagutin o..

"Karriill! Karil Karil dali naman.. Sagutin mo na kung ayaw mo pang ma-coma ang binti ng anak m-"

"Hello? Mm, Vice is this you? Gabi na ba't ka pa napatawag?" Rinig ko ang inaantok na boses ni Karylle kaya mukhang naistorbo ko nga siya sa pagtulog.

"Ahm, oo sorry kasi ano.."

"Sorry? Sa ano? Ano Vice?"

"Kasi ano.. Si Ano, K."

My Beki DadWhere stories live. Discover now