MBD 2.34 | Potassium x Siraulo

2.1K 63 7
                                    

VICE

Pakanta kanta pa ako dito sa banyo habang nag... Nag-eenjoy na maligo. Ang init kasi ngayon, you know, summer. Kaya dadalhin ko yung mag-iina ko mamaya sa lugar kung saan mainit lalo pero lalamigan ka naman.

Nang matapos na ako, kinapa kapa ko yung sabitan ng twalya pero wala. Siyet nakalimutan ko nanamang mag-dala dito.

"Kareel! Pa-abot po ng twalya!" Sigaw ko kasi nandyan lang naman sa kwarto si Karylle. Dito lang kasi ako naligo sa CR ng kwarto. Sosyal nuh.

"Yaya mo ko?!" Kaya nga nilagyan ko na ng 'po' kasi magi-inarte nanaman yan e.

"P-Please, Mahal!" Sigaw ko. Di naman ako matitiis niyan, sa pogi kong 'to? Bumukas ng konti yung pintuan ng cr at lumitaw na yung kamay ni Karylle na may twalya. Kitams.

"Pasok ka! Di ko makita e, may sabon pa yung mukha ko!" Palusot ko.

"Kunin mo na! Mag-banlaw ka muna.."

Wala akong nagawa kundi lumapit nalang at kuhain yung twalya. Pagkakuha ko nun, hinila ko siya at hinalikan sa labi nang madiin.

"Mmmmm! Vice! Bastos! Magtakip ka na nga, hubad na hubad ka pa! Salaula." Pa-irap niyang sinabi at lumabas ng banyo. Ba't ba ang init ng dugo ng sakang na 'to sakin? Nakakapagtaka na ha.

•.....•.....•.....•

"Dear future husband, here's a few things you need to know

If you wanna be my one and only all my life

Dear future husband

If you wanna get that special lovin'

Tell me a-"

"What the?! Vice ba't mo pinatay?!" Sigaw sakin ni Karylle pagkapatay ko ng phone niyang nakasaksak pa sa isang speaker. Paikot ikot pa siya at sayaw ng sayaw dito sa kwarto habang ako inis na inis na sa music niya kasi naglalagay ako ng konting damit sa bag, siya? Lapakels.

"Eh kung tulungan mo kaya ako?"

"Saan ba kasi tayo pupunta? Parang magtatagal naman tayo dun," umirap pa siya sakin.

"Mago-overnight tayo 'dun. It's a beach, K. Kasi pansin kong naha-high blood kang masyado kaya magpalamig ka muna. Saka bakit ba ganyan ka these days? May ginawa ba ako para pag-initan mo ko nang ganyan?"

"Eh kasi nakakainis ka." Simple niyang sagot.

"Ano? Nakakainis?"

"Oo! Bingi ka ba?"

"Ba't ka naman maiinis sakin? Anong ginawa ko? Karylle pinagpapasensyahan lang kita, hindi naman pwedeng ako lang lagi yung magbababa ng pride para hindi magalit sa ginagawa mo sakin. Nagtitimpi lang naman ako pero ikaw yung laging galit." Litanya ko.

"Bakla! Basta nakakainis ka! E di magalit ka sakin kung gusto mo," parang bata niyang sagot.

"Ha?! K, POTAssium na talaga," Gulat akong tinignan ni Karylle, pati ako nagulat sa nasabi ko. Hindi naman kasi ako nagmumura sa tuwing mag-aaway kami ni Karylle. "U-uy, love. Sorry. Hindi ko sinasadya." Kumunot na ang noo niya at tinignan pa ako nang masama, konti nalang masunog na ako sa titig niya.

"Potassium ka rin! Bakla!" Bawi niya at bumelat pa. Binagsak nanaman niya ang pintuan ng kwarto bago lumabas. Pisti!

Napasapo nalang ako at naupo. Naloloka na ata ako, kumukupas na ang kagandahan ko, nababaliw na si Kurba ko. Ano bang nangyayari sa mundo? May nagawa ba ko kaya nagkaganito? O sadyang siraulo na ang babaeng ito?

My Beki DadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora