Spizial Tsaptir #1

2.4K 67 22
                                    

I'm here na sa deztinasyooon! Happy moth moth! #hk

---

Ana's POV

SERYOSO?!

Vice's POV

NANANAGINIP BA AKO?

Luke's POV

YES HINDI NA KO BUNSO!

GENERAL

Tama na 'yan, writer kayo? Writer kayo? Ayaw niyo ng idea ko? Buti pa si Luke. Hindi ka man favorite ng dad mo, favorite kita.

Mabalik..

Tulalang nakasilip sa may balcony si Vice at tinatanaw ang pulang Ferrari na ibinigay ni Karylle. Hindi parin siya makapaniwala sa nakikita. Halos 2 milyon pataas kasi ang presyo noon kumpara sa mga kotseng binibili niya na hindi tataas sa isang milyon ang presyo. Except lang nung sports car na ikinapahamak ng mga anak niya.

Hindi maalis ang ngiti sa labi niya lalo na't may isa pang mas mahalagang surprise ang natanggap niya ngayong araw. Na madadagdagan nanaman sila ng isa sa pamilya. Ngayon niya lang na-gets kung bakit ganun ang mga kinikilos ni Karylle sa mga nagdaang araw. Ngayon niya lang rin na-realize na napaka slow niya.

"Hi, Love!" Bati ni Karylle mula sa likod niya. Yumakap ito sa leeg ni Vice mula sa likod kaya mas lalong kinilig ang bakla. Nguminig naman siya na parang na-kuryente and katawan at nagsitayuan ang balahibo.

"Mukhang nag-eenjoy kang tignan ang bago mong sasakyan ha," ngiting sabi ni Karylle at sinandal ang baba sa ulo ni Vice.

"Syempre, galing sayo e. Saka mas nag-eenjoy akong isipin na magkaka-anak na uli tayo."

"E ikaw kasi, ang L-L mo." Natatawang biro ni Karylle at mas hinigpitan ang yakap.

"Haha, kaya pala ayaw mo these days ha. So gaano ka tagal mo na yang tinatago sakin huh? May pa-surprise surprise ka pa." Vice smiled habang hinihimas rin ang kamay ni Karylle na nakayakap sa kanya.

"I'm 8 weeks pregnant na. Nagpa-check up ako nung bago ako pumunta sa company mo. Even Anne knows about this na e. Gusto ko lang talagang i-surprise ka."

"Ang saya ko lang..."

"Ako rin naman e." Dahan dahang hinila ni Vice si Karylle dahilan upang mapa-upo ito sa hita niya. Niyakap niyang mahigpit ito sa bewang at pagkatapos ay iniharap sa kanya.

"I love you, K. I love you, baby." Bulong ni Vice na hinimas pa ang tiyan ni K. "Labas ka na,"

"Vice naman ee. Pugo ang lalabas pag pinalabas mo na 'yan!" Biro ni Karylle sabay hampas kay Vice. Napangiti nalang si Vice at yumakap pa sa bewang ni Karylle.

"Sana girl.." Bulong ni Vice at pinapakiramdaman ang tiyan ni Karylle dahil nasa tyan niya ang tainga ni Vice.

"No! Gusto ko boy," saliwas ni K.

"Eh? Ayoko nga, mga sutil ang boy. Kita mo yang si Luke ang kulit kulit.."

"Ayoko nga! Gusto ko ng lalaki."

"E di i-wish mong Luke at Ana rin 'yan. Di kaya gawa nalang tayong bago." Sabi ni Vice sabay kindat kaya nakatanggap siya ng sweet na kurot. Aww, so sweet. Sabay kayo ; 'awww'.

"Alam mo ba kung gaano ka-sakit umire ng bata?!"

"Sorry, edi isuka mo nalang." Biro ni Vice at umilag... Iba na ang ready.

"Pero seryoso, lalo na't kung kambal. Duh, ang hirap hirap i-ire niyan ni Luke noon kaya nauna si Ana." Sabi ni Karylle at niyakap si Vice sa leeg. "Pero okay lang, sabi nga, mas masaya kung pinaghihirapan, mas sincere."

My Beki DadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora