MBD 2.33 | Ayoko

2K 65 6
                                    

VICE

Pagmulat ko ng mata ko, sinag agad ng araw ang tumama. Tsk, binuksan nanaman ni Karylle yung kurtina, speaking of Karylle, wala narin siya sa tabi ko. Sanay na ako, lagi naman 'yang maaga magising kasi aalis na siya ng 8.

Naghilamos na ako at nagmumog para bumaba. Buti naman kasi at nagluluto na si Karylle bago umalis kaya bawas trabaho ako. Hoho.

Pabukas palang ako ng pintuan ng kwarto nang may marinig ako;

"Gumising ka na dyan! Alam mo ba kung anong oras ka umuwi?! And lasing na lasing ka kahapon, ilang beses ba talaga kailangang sabihin, Luke Vrylle Viceral na hindi pa kita hahayaang mag-bar. Keso 19 ka na feeling free ka na sa ganyan. Now look at you, mukha kang sabog. Tumayo ka na at kumain!"

Hay, nag-aalboroto nanaman si Kumander. Lumabas na ako kasabay ng pagbagsak ni Karylle sa pintuan ni Luke. Tsk, araw araw 'tong HB eh.

Kinindatan ko siya nang magkasalubong ang mata namin pero inirapan niya ko. Bait! Uwe.

"Good morning too ha," Sarcastic kong sinabi habang pareho kaming bumababa ng hagdan pero nauna siya.

"Walang good sa morning ko. Ikaw kasi, Vice. Wala lang ako araw araw tapos nag-babar na yang anak mo. Hindi mo ba yan tinututukan habang wala ako ?!" Sabi sainyo kamag-anak to ni Hulk e.

"Hayaan mo sya, lalaki naman yan e." Sagot ko pero hindi naman ibig sabihin nun' wala akong pake kay Luke. Alam ko namang niyaya lang siya ng tropa niya kaya napilitan lang siya.

Nakita ko si Ariana na kumakain na sa may kusina kaya hinalikan ko muna siya sa noo bago ako nakiupo.

"Kahit na ba!"

"Ikain mo nalang 'yan, K." Pagalit siyang naupo sa may tabi ko at medyo hirap kasi nakapang-office attire na siya. Talaga lang ha. *smirk*

"Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan?" Singit niya.

"Masama bang ngumiti? O kumain ka n-" lalagyan ko na sana ng hotdog ang plato niya pero pinigilan niya ako.

"Ayoko niyan!" Singhal niya at kinuha yung fried rice at inipon yung mga bawang para ilagay sa plato niya. Siraulo na ba 'to?? "Eto lang akin, hindi masarap yan." Napatingin ako kay Ana sa sobrang kawirdohan ng asawa ko.

"Hi-hindi ka mag-uulam?"

"Anong tingin mo dito?" Sabi niya sabay turo sa mga bawang gamit ang kutsara.

"Ulam ba yan?"

"Pake mo?!"

Napasara nalang ako ng labi. Wala akong ka-alam alam sa nangyayari sa asawa ko napalagok nalang ako nang mabilisan sa tubig. Pinagpapawisan ako. Baka mamaya magwala 'to, may sumapi ata.

"Ah.. Mommy, tubig. Baka mabilaukan ka po." Sabi ni Ana sabay alok ng tubig. Sunod sunod kasi ang paglamon este pagsubo ni Karylle sa kinakain niya. Kahit ako hindi ko kakayaning i-ulam ang bawang. Ew.

"Thank you, sweet naman ng baby ko." Malambing niyang sagot-luh?! Problema ng mood nito.

"Ahm, love may dumi ka sa labi oh." Sabi ko kahit wala naman talaga at sinubukan ko lang kung sweet rin siya sakin. Kumuha ako ng tissue at ambang ipupunas na sa kanya kaso tinabig niya ang kamay ko.

"Wag na! Ako na, may kamay naman ako." Umirap pa siya. Jskoh.

Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy sa pag-kain. Sumulpot nalang bigla si Luke na gulo parin ang buhok pero nakapag-hilamos na naman.

My Beki DadWhere stories live. Discover now