An : Uy nag-back la narin si Karylle sa showtime. Sumexy na uli sya ha..
---
"Good morning Ariana," bati ko sa anak ko at kumaway ako pero no reaction lang siyang nakatingin sakin kaya pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko papunta sa kwarto ni Luke. Ganda talaga ng batang 'yon. Manang mana sakin..
Bigla akong napatigil sa na-realize ko.
WHAT THE FUCK?!
Totoo ba yung nakita ko kanina? O baka namalikmata lang ako, jusko puyat na puyat kasi ako e! Kung ano ano na tuloy ang naiisip at nakikita ko. Vice, gising.
Sinampal sampal ko pa ang magkabila kong pisngi at baka sakaling magising ako kung panaginip lang to. Lord, kung may nagpaparamdam sakin, please wag muna ako. Ayoko pang mawala, utang na loob.
Pinilit kong hindi isipin yung nakita ko. Ayokong alalhanin kasi natatakot ako e, malay ko ba kung si Ana talaga 'yon, baka naman.. You know, awoo.
"Daddy!" May narinig akong matinis na boses na sumigaw sa likod ko. Unti unti akong tumalikod and, GOD, LORD, wag niyo naman akong biruin ng ganito.
Nakita ko si Ariana, patakbong lumalakad papunta sakin kaya kinabahan na ako ng sobra sobra. Parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. At dahil hindi ko kinaya, mabilisan akong tumakbo papalayo para takasan yung multo aarrgh! Kung multo ba yun, basta ayoko! Nakakatakot, 5am palang jusko wala pang mga gising na tao dito sa ospital.
Dire-diretso akong nag-panic patakbo hanggang sa makita ko na ang kwarto ni Ariana kaya bigla akong pumasok don. Hindi ko na narating ang room ni Luke sa sobrang pagod.
"Wooh! Kaloka!" Sigaw ko pagkasara ko ng pintuan ng kwarto. Nakasandal lang ako sa pinto hanggang sa makita kong... Wala si Ana sa bed at..... Tanggal tanggal pati yung oxygen mask nakakalat sa kama. Juicecolored.
"Dad! Dad! Open the door, please!" O my goodness, no badness. Baka ma-confine narin ako at tumataas na ata ang dugo ko; sa kaba at takot.
"S-sino ka?! B-bakit mo ko sinusundan?! H-hindi.. H-hindi ko pa oras! Ayoko pang sumama!" Sigaw ko at nakasilip sa may butas at siya nga. Hindi parin ako makapaniwala. Jusko naman, ayoko paaaa!
"What? Dad, open the door. It's me, Ana."
"Wag kang mag-disguise! P-pag ako talaga binato kita ng sapatos ko malalagot ka sakin, tantanan mo ko. Natatakot ako." Pagbabanta ko. Pabalik balik ako ng tingin kung wala ba talaga si Ana sa higaan niya, tangina shet wala talaga e. Viceral, are you dedz na?
Nakita ko pa siyang patawa tawa mula dun sa butas na sinisilipan ko.
"Daddy, I'm back, don't you miss me? Please open, I'm not gonna eat you." She said. Vice, si Ana nga! Yung anak momg nakainom ng sandamakmak na sleeping peels! Papapasukin ko ba? Pero baka ipakilala ako nito kay San Pedro e.
Nagpapawis na ako sa loob at nangangatog na ang binti ko.
GENERAL
Halos dalampung minutong nagka-kakatok si Ariana sa pintuan upang pagbuksan siya ni Vice pero nagdadalawang isip parin talaga ito. Natatakot parin kasi siya kung toto-Oo na paulit ulit nasabi na ni Vice e.
"Dad, open it please. I've been searching for people when I just woke up," Pagmamakaawa nito para mabuksan ang pinto.
"Ayoko!"
"Ugh, I'm not a ghost, dad. I'm real and I'm al-"
"What the." Napalingon na lamang ang dalaga sa narinig niyang malalim na boses at alam niyang kilala niya ang boses na ito.
YOU ARE READING
My Beki Dad
Random"Bakla ako, pero hindi lang bakla." @ All Rights Reserved 2015 JMKarylleViceral