Pagkatapos namin maglaro ni Jez ay bumalik kami sa table namin. Nag-inom at nagkwentuhan lang sila saglit ng mga kaibigan niya habang ako tahimik lang sa bisig ni Jez.
Hindi naman ako na-OOP kasi nasa gitna ako ni Kim at Jez kaya parang kasali pa rin ako lalo't yakap yakap ako ni Jez.
Pansin ko rin na may mga babaeng napapatingin at bumabati kay Jez, binabati niya naman ito pabalik pero wala ring nagtatangkang lumapit dahil nga ang laki ko dito para di nila makita.
"Gusto mo ba umuwi na tayo?" tanong ni Jez mga bandang ala una na ng madaling araw.
Kanina ko pa talaga gusto umuwi kaso baka sabihin ng mga kaibigan nya dinidiktahan ko si Jez at ang KJ ko.
"Pwede ba?" nag-aalangan na tanong 'ko sa kanya.
"Oo naman!" mabilis na sagot nya "Guys, uwi na kami." nakangiting paalam nya sa mga ito.
Mga nakainom na ito at lasing kaya naman nagsitangoan lang sila.
Inalalayan ako ni Jez patayo, umakbay siya sa akin at hinawakan ko naman ang bewang niya dahil baka matumba siya. Medyo marami na rin kasi naiinom niya.
Nang makarating kami sa kotse nya ay hinarang ko siya ng sasakay sya sa driver seat.
"Ako na mag-ddrive." pag-volunteer 'ko. Kumunot naman noo niya.
"No, i'll drive for you my homie." giit nya sakin, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Hindi na. Ako mag ddrive, Jez." i said firmly, hindi naman na sya nakipag-talo kaya pinasok ko na sya sa shotgun seat at naupo na sa driver seat.
"Ang dyahe naman. Dapat ako nag ddrive para sayo eh." maktol niya pa rin kahit malapit na kami sa bahay namin.
"Sshh.. Pahinga ka lang dyan para makapag-drive ka pa pauwi." nakita ko sa peripheral vision ko na bigla syang lumingon sa akin.
"Ha? Papauwiin mo pa ako?" nakalabing tanong nya na parang nagpapaawa sa akin. "Hindi ko na nga kaya mag-drive. Pakiramdam ko nasusuka ako."
Nagdrama pa sya na parang masusuka. Napailing iling naman ako.
"Ngayon biglang lasing ka na?" tanong ko sa kanya patuloy pa rin sya sa pag-arte na nasusuka.
"Naku Jez, marami kaming guest room. Dun ka matulog." pahayag ko na lalong kinagusot ng muka niya.
"Matitiis mo ako matulog sa guest room? Sa malamig at maalikabok na guest room?" nilungkotan niya pa ang boses nya, halatang nagpapaawa.
"Hindi maalikabok ang guest room namin. Pwede ka rin magpatay ng aircon kung malalamigan ka." pag-dadahilan ko sa mga palusot niya.
Nakabusangot lang sya hanggang makarating kami sa bahay.
Sinalubong naman kami ni Ate Niña.
"Ma'am, inumaga ka po ata." halatang di sanay na turan nito sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.
"Paki-buksan po yung guest room, Ate. Dun matutulog si Jez." pahayag ko na mabilis tinutulan ng isa.
"Ate Niña, please wag kang pumayag" kontra nya at yumakap sa bewang ko.
"Mahal ko, wag ka naman ganyan. Tatabi lang naman ako eh." paglalambing nya sakin. Nahiya naman ako sa mga tingin ni ate Niña. Baka kung ano pa masabi ni Jez kaya sa dulo, pumayag na rin ako.
Tuwang tuwa si Jez na dumiretso sa bathroom 'ko pagpasok nya sa kwarto.
"Bilisan mo dyan ha? Maaga pa ang pasok ko bukas." sigaw ko sa kanya mula sa labas.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...