"B-Bakit may ganito? P-Para saan ito?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nakakapangliit kasi.
"Hmm. For your protection. Alam kong mahihiya kang bumili niyan. May manual instruction and procedures na rin diyan." balewalang paliwanag niya.
Gets ko naman point niya eh. Gets na gets ko!
Ayaw niya magkaroon ng anak sa akin. That's it.
"Ah okay. Thanks." simpleng sagot ko sa kanya.
I respect her. Kung ayaw niya, bakit ko siya pipilitin?
Tsaka hindi ko pa rin naman gustong magka-anak pero parang ang sakit lang ng ipamuka niya sa akin yun."Sige na, uwi ka na papahinga na ako." pagtataboy ko sa kanya. Hindi na ako makatingin pa sa kanya.
Nag-iinit na ang mata 'ko. Kung pwede lang sana umalis na siya. Ayukong makita nyang umiyak ako.
Inabala 'ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga libro kong nakaayos naman.
Ilang sandali pa bago muling nagsalita si Jez."I'll go now, Klaisse." paalam niya.
"S-Sige. Ingat." sunod 'kong narinig ay ang pag-sara ng pinto.
Nilingon ko ito at wala na nga si Jez.
Dun ko muling tinignan ang mga binigay nya sa akin.
Tatlong set ng contraceptives at mga manual.Napatawa akong pagak. Nanghina ang mga tuhod ko kaya napa-upo ako sa kama. Binuksan ko ang pink na box at nilabas ang mga laman nito.
May 21 na puting maliit na tableta at 7 na pulang maliit na tableta.
Tinitigan ko lang iyon habang nag-iinit ang mata 'ko. Hindi ako makapaniwalang bibigyan ako ng ganito ni Jez.
"Tang-ina Jez, ang sakit.." bulong 'ko at tuloyan ng dumaloy ang mga luha sa mata ko.
Pakiramdam 'ko ang baba baba ng tingin nya sa akin. Pakiramdam 'ko sex lang ang habol niya sa akin.
Sobrang sumisikip ang puso 'ko at kumikirot.
I lie in my bed, fetus position while still looking these pills.
Naputol ang pakikipagtitigan ko dun ng tumunog ang cellphone 'ko. Walang gana kong dinampot iyon at nakita kong si Mommy ang tumatawag at nag rerequest ng video call.
I wipe my tears first before answering her call.
"Hello sweety!" bungad sa akin ni Mommy.
"Hi Mom.." nakangiti tugon ko sa kanya.
"Matutulog ka na ba? Ano ginagawa mo?" sunod sunod na tanong nito sa akin.
"Mag-shower lang po ako at matutulog na pagkatapos." tumango tango naman siya sa sinabi ko. Mukang kakagising lang ni Mommy. Nasa New Jersey kasi siya ngayon.
"Kumain ka na ba?"
"Yes. Kumain kami sa labas kanina ni Jez." ngumiti naman siya na parang nanunudyo ng mabanggit ko ang pangalan ni Jez.
"Ikaw huh?! Madaling araw ka daw umuwi kagabi." malumanay na pagalit niya sa akin.
"Sorry Mom, kasama ko naman po si Jez." pagdadahilan 'ko.
"Okay. Sige, mag-iingat kayo ha? Alam ko naman di ka pababayaan ni Jez pero mag-ingat pa rin kayo at alagaan mo ang sarili mo." bilin nito sa akin na tinanguan ko.
Nagkwentuhan lang kami saglit tungkol sa ginawa nya sa New Jersey at pinatay na ang tawag.
Tinabi ko ang mga binigay sa akin ni Jez sa cabinet at naligo na. Medyo natagalan ako sa paliligo dahil hindi mawala wala sa isip ko mga binigay niya.
BINABASA MO ANG
My Maniac Bestfriend
RomanceI'm Klaisse Tanaga, i have a bestfriend named Jezriel Del Valle. We've been friends since we're ten. We both don't have a choice but to be friends. Our parents are business partner slash bestfriends. Sobrang laki ng pinagkaiba namin ni Jezriel. She'...