Chapter Four

1K 99 179
                                    

Lee Heeseung's POV

"Ikaw madalas talaga may sa impakto ka noh?" inilayo ko ang cellphone ko sa tainga ko para hindi ako mabingi dahil sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ni Jaehyuk mula sa kabilang linya. Oh god! Kawawa ang mga kasama niya sa bahay!

"Ano namang masama don? Eh ayaw ko pa nga ng anak--" hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang biglang sumigaw ulit si Jaeyuk mula sa kabilang linya.

Peste, hindi ko na natapos-tapos ang pagpapaliwanag ko dahil dyan sa napakadaldal na bunganga niya!

"Takot ka pa pala sa responsibilidad, edi sana hindi mo muna ginalaw! Tapos ngayon magrerekla-reklamo ka sa akin? Kulang ka ba sa sapak pre?" pambabara niya pa sa akin kaya mas lalo akong napasimangot.

Siya na nga lang ang mayroon ako ngayon, mukhang tatalikuran niya pa ako. Ang buong akala ko, maiintndihan niya ang sitwasyon ko, hindi naman pala.

Ikinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari at kung ano ang binabalak ko kung sakali man na pumayag si Sunny na kapag lumabas na ang bata ay bubukod na ako at dadalawin na lang silang dalawa. Sa huling paguusap namin kanina sa telepono ay mukhang gulat pa siya sa mga nasabi ko at nababaan pa ako nv tawag. Masama na kung masama pero hindi pa talaga ako handa sa mga bagay na iyon. Ang buong akala ko talaga, she's still taking the fucking pill kaya akala ko safe.

Hindi man lang talaga siya umangal o kumibo man lang nung panahon na iyon!

"Akala ko ba kaibigan kita? Tsk, parehas na kayo ni Samantha." kunwaring nagatampong sambit ko sakanya para sana awa siya sa akin pero sandamakmak na mura lang ang inabot ko mula sa kanya.

"Oo nga, kaibigan mo nga ako. Kaya ko nga 'to ginagawa dahil ayaw kong magsisi ka sa mga sarili mong katangahan"

Napahinto ako sa pagpirma ng papeles nang sabihin niya iyon. Sobra akong natamaan dahil nangyari na rin iyon sa akin noon--nung panahong napakakumplekado pa ng buhay nila Samantha at Jay.

Hindi ko nanaman tuloy matanggal sa isipan ko ang mga bagay na nagawa ko noon para kay Samantha. Sa sobrang pagmamahal ko sakan'ya, handa pa akong maging ama ng batang dinadala niya. Kahit 'di pa ako handa noong mga panahon na iyon, sinubukan ko dahil sa pagmamahal ko sakan'ya.

Masakit.

Mabigat sa pakiramdam kasi ginawa ko naman ang lahat pero pakiramdam ko kulang pa rin...


"Bakit naman ako magsisisi? Malaki na ako Jaehyuk, alam ko na kung ano ang papasukin kong desisyon" rinig na rinig ko mula sa kabilang linya ang paghugot n'ya ng isang malalim na buntong hininga. Mukhang naiinis na sa akin.

"Eh bakit ka pa tumawag at nanghingi ng advice kung buo na pala talaga ang desisyon mong siraulo ka?!"

Oo nga noh? Nakalimutan ko, tumawag nga pala ako sa kanya para humingi ng payo, pero bakit parang imbis na payo ang matanggap ko, naging sermon.

"Hindi ka naman nagbigay ng payo, nanermon ka lang" kunwaring walang interes na sambit ko. Kung kaharap ko ngayon ang lalaking yan, malamang sa malamang ay pinagsasapak niya na ako sa sobrang inis. Ang pikon niya kasi at mabilis magtampo. Paniguradong kapag nagkita kami niyan, babatukan niya ako kaagad kahit na hindi pa namin nababati ang isa't-isa.

"Aba tarantado ka ah? Pinayuhan kita kanina ah? Sinabi ko sa'yo na hindi mo pwedeng pilitin si Sunny sa mga bagay na gusto mo dahil unang-una, matres niya yon at siya ang magdadala sa loob ng siyam na buwan. Huwag ka ngang pala-desisyon, hudas ka,"

Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]Where stories live. Discover now