Chapter Three

1K 92 97
                                    

Lee Heeseung's POV

"You're married to Sunny. Why can't you forget Samantha?" napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi ng tatay ko. Hindi ko pa rin talaga lubos akalain na mas pipiliin nila ang kasiyahan ng babaeng iyon kaysa sa akin na anak nila.

Sabagay, alam naman naming lahat na si Sunny na talaga ang gusto nila sa akin sa simula pa lang eh.

"She's my only happiness, dad," sagot ko sa kanya but he shook his head before slamming the table infront of me.

"Happiness? Are you out of your mind, Lee Heeseung? May asawa ka na, hindi ka na binata para umasta ng ganyan--" I cut him off by laughing sarcastically. Really? Eh sino ba ang may gusto ng ganitong set up? Hindi ba't sila lang naman ang may gusto nito at nagpumilit na gawin ang putanginang kasal na yun?

"I don't want her. I hate her..." I paused for a while before turning my gaze to my father.

"A lot," I mumbled.

My father is looking at me with disbelief--hindi makapaniwala sa lahat ng sinasabi ko sa harap niya. Pero hindi naman masama na magsabi ako ng katotohanan hindi ba?

Galit ako kay Sunny. Galit na galit ako sa kanya to the point na kung pupuwede ko na lang sanang i-restart ang buhay ko at i-skip sa part na nakilala ko siya--sana ginawa ko na.

Dahil pinagsisisihan ko na naging kaibigan ko siya.

"Ganyan na ba talaga katigas ang puso mo para kay Sunny, huh?," tanong ni dad.

Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin. Alam ko ang sagot ko, at alam kong alam na din ng tatay ko ang magiging sagot ko kaya automatikong napahilot na lang siya sa sentido niya.

I'm sorry, dad, pero nasaktan lang ako ng sobra. Noong panahon na sinusubukan kong tanggapin ang lahat ng nangyayari sa pagitan ko at sa pagitan ni Samantha binigla niyo ako sa isang desisyon na hindi niyo naman itinanong sa akin kung magiging ayos ba ako.

Hindi pa nagagamot ng tuluyan ang sugat ko noon kay Samantha tapos sasabayan pa nila ng pagpapakasal ko sa babaeng hindi ko naman mahal?

Ano ako tanga? Ginawa at pinagmukha nila akong sunod-sunuran sa lahat ng gusto nila--sa gusto ni Sunny?

Do I really have to sacrifice my own happiness para sa bagay na hindi ko naman talaga gusto?

Do I always have to pretend that it's fine even though it's not?

"Naging ganito lang naman ako kasi nasaktan ako," ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Sinusubukan kong pigilan ang sarili ko sa pag-iyak sa tuwing naaalala ko lahat ng nangyari noon.

Alam nilang lahat kung gaano ko kamahal si Samantha at kung gaano ako nasaktan dahil sa hindi niya pagpili sa akin. At si Sunny? Kaya pala palagi siyang nakabuntot sa akin noon, kaya pala parang may iba akong nararamdaman.

Yun pala, alam niya na ang pinaplano ng mga magulang namin para sa aming dalawa. Maybe it was their plan, pinagplanuhan nila akong lahat.

They bertrayed me.

"Nasaktan ka? Heeseung, hindi lang ikaw ang nasasaktan dito. Pati si Sunny at ang bata sa loob ng sinapupunan niya apektado dahil dyan sa nakaraan mo! Sana naman matuto kang kalimutan ang lahat"

Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]Where stories live. Discover now