Chapter Seventeen

792 96 164
                                    

SEVENTEEN

Sunny Nicole's POV

"Hindi, asawa ko yan."

Napalingon ako kay Heeseung na ngayon ay nakatayo sa likuran ng bench na inuupuan namin habang nakalagay ang kamay sa bulsa niya.

"Ah, ganon po ba? Pasensya na po, bagay po kasi sila" paghingi ng paumanhin nung babae na kaagad namang umalis matapos magpasalamat. Narinig ko pa ang bahagyang pagbulong ni Heeseung ng kung ano.

"Tss bagay daw, hindi naman."

"Ano?" paglilinaw ko sa binulong niya pero kinuha niya lang si Ian sa lap ni Jihoon tsaka binuhat at umirap.

"Ang tagal mong umuwi, kanina pa ako naghihintay sa bahay" singhal nito habang nakaharap sa akin kaya napairap ako. So ngayon aarte siya na parang asawa? Wow ah? Nakakahiya naman kasi sa lakad niya.

Nakakhiya naman kasi nangako siya tapos hindi niya tutupadin.

"Eh ano naman sa'yo? Akala ko ba may importante kang gagawin sa firm? At tsaka nasaan si Jeno? Akala ko kasama mo?" sinubukan kong ikalma ang tono ng pananalita ko at hindi na siya pinagtaasan ng boses kahit na alam ko sa sarili kong inis na inis na ako.

Aba, huwag niyang sknusubukan ang pasensya ko. Baka hindi ko siya matantya at mapukpok ko siya ng bag sa ulo.

"Hindi natuloy" bulong nito kaya napatahimik ako.

Kawawa.

Buti nga sa'yo.

"Aist, stop that already. Kung mag-aaway kayo pwede bang huwag sa harapan namin ng pamangkin ko?" inis na sabi ni Jihoon. Doon ko na lamang napagtanto na gising na pala ang dalawang bata dahil sa ingay ng bunganga ni Heeseung.

At oo, kasalanan niya.

"Ate Sunny who is this guy po ba? Bakit para siyang tatay mo?"

Pfft.

Pinigilan ko ang sarili ko na hindi matawa dahil sa tanong na iginawad ni Ion sa akin. Punyeta, kung wala lang kami sa mall at kung hindi nakatingin si Heeseung sa akin, malamang ay namatay na ako kakatawa. Pero hindi eh, ano ba kasing ginagawa ng mokong na 'to dito?

"Ah, friend lang ni ate Sunny" nginitian ko si Ion bago ginulo ang buhok at tsaka pinisil ang pisnge nito.

"Wow ah, tinanggi pa ako" sabat ni Heeseung kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Kinuha naman ni Jihoon si Ian kay Heeseung at tsaka iyon binuhat. Mukha kasing wala pa sa mood si Ian at tinatamad pang maglakad. Alangan ipabuhat pa namin kay Heeseung si Ian, ang bilugan ng batang yan, baka hindi kayanin ni Heeseung.

Tsk.

"Uuwi na po ba tayo?" tanong ni Ion tsaka umupo sa lap ko. Nakamasid lang sa amin si Heeseung at Jihoon habang nag-uusap kami ni Ion.

"Oo baby, uuwi na kayo ni tito mo" inayos ko ang kaunting hibla ng buhok nito na nakaharang sa mata niya.

"Kami lang? Hindi ka po sasama?" tanong nito kaya napatingin ako kay Jihoon na parang hindi alam ang gagawin. Well, ang hirap kasi ng ganitong sitwasyon. Hindi namin ko trolado ang isip ng bata at mukhang napalapit na ito sa akin kaya mukhang hindi ako makakasama kay Heeseung pauwi.

Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]Where stories live. Discover now