NINE
Sunny Nicole's POV
Kanina pa ako tahimik simula kanina noong dalhin ako ni Jihoon sa condo niya. Medyo malayo ang location nito sa condo ni Asahi kaya hindi ko alam kung mahahagilap ba ako nila Heeseung kung sakali man na hanapin nila ako.
Ay ang kapal, baka hanapin nga talaga ako. Wala nga pala siyang pake sa akin kaya bakit pa ako kakabahan?
"Gusto mo ng juice?" tanong ni Jihoon habang pinupunasan ng towel ang basa niyang buhok. Nag-shower kasi siya pagdating namin dahil init na init na daw siya.
Sasampalin ko talaga 'to kapag hindi niya ako binigyan ng magandang rason kung bakit niya ako dinala dito.
"Hindi na, aalis din naman ako kaagad diba?" tanong ko sa kanya.
Napahinto siya sa pagpupunas ng buhok niya bago ako pinasadahan ng tingin tsaka nagpatuloy muli sa pagpupunas.
"Depende kung gaano mo katagal ieexplain sa akin ang lahat" kibit balikat na sambit niya dahilan para magsimulang manginig ang buong katawan ko sa takot.
Paano ko ba sasabihin at lilinawin sa kanya ang lahat?
"B-bakit mo naman biglang gustong ipaexplain sa'yo ang lahat?" kinakabahang sabi ko at umiwas ng tingin.
Hindi ko kayang tingnan siya sa mata dahil nasasaktan ako kasi alam kong nasasaktan siya ng dahil sa akin. Nasaktan ko siya at alam kong paulit-ulit siyang nasasaktan dahil sa mga maling desisyon na nagawa ko noon.
"Wala lang. Gusto ko lang marinig yung side mo, gusto ko lang malaman kung bakit mo ako iniwan nung panahon na kailangan kita?"
Napatahimik ako sa sinabi niya.
Tama nga ako. Napatawad niya na ako pero nandun pa rin lahat ng sakit na binigay ko sa kanya. Naghilom na lahat ng sugat niya pero nag-iwan pa rin yun ng peklat na tatatak na sa buong pagkatao niya.
Alam kong mali ako.
Sobrang mali.
"Bakit mo nga ba ako iniwan?" ngumiti siya ng pilit habang nakatingin sa akin habang ako naman ay hindi alam kung saan ibabaling ang ulo ko. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa lahat ng nangyari.
Nahihiya ako.
Nahihiya ako sa kanya at nahihirapan akong harapin siya dahil sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko siya kayang kausapin ng matagal, pakiramdam ko babagsak ako anytime.
Pero sa tingin ko, kailangan ko munang labanan lahat ng takot at hiya ko.
Because he deserves to know the truth.
"Hindi ko alam kung saan ko sisimulan lahat ng 'to pero siguro sisimulan ko muna ang lahat sa sorry." panimula ko habang nakatingin sa sahig. Pinipigilan ang sarili na umiyak sa harap ng taong sinaktan ko.
YOU ARE READING
Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]
Fiksi PenggemarDaddy Series #02. LHS ── ❝ I'm sorry for all the pain you had to endure while loving me... ❞ revising @takonikii2022