Chapter Twenty-One

947 97 100
                                    

TWENTY-ONE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TWENTY-ONE

💌 For: sheepminion

Sunny Nicole's POV

I can't stand seeing him like this.

Oo, nakakakita na nga ako pero mas doble pa pala ng sakit ang mararamdaman ko.

It's been 6 months.

6 months na rin akong ganito at hanggang ngayon alam kong hindi pa rin siya pabor na iwanan ako sa bahay.

6 months na simula nang mawala ang anak namin pero bakit parang ang hirap-hirap pa ring tanggapin? Bakit sa tuwing gigising kaming dalawa, mabigat na atmosphere kaagad ang sasalubong?

We're trying to fix everything... We are trying to heal each other. Sinusubukan namin na ayusin ang lahat at ibalik sa dati pero unti-unti akong nanghihina na para bang gusto ko na lang bitawan ang kamay niya.

Sa loob ng anim na buwan, hindi niya magawang iwan ako. Kahit madalas ay ipinagtatabuyan ko siya papalayo sinusubukan niya pa rin akong intindihin. Pero bakit ang sakit-sakit na makita siyang sinusubukang intindihin ako?

Madalas nga siya pa ang humihingi ng paumanhin kahit na ako naman talaga ang may mali sa aming dalawa. 

Kasalukuyan akong nakaupo sa stool habang pinapanood siyang magluto. Nakatalikod lang siya sa akin at busy sa pagluto ng pagkain naming dalawa.

"Malapit na 'tong maluto, ten minutes more. Is it alright?" hindi ako sumagot at walang ganang tumango.

Simula nang mawala ang anak naming dalawa ay nawalan na rin ako ng ganang gawin ang mga bagay na dati kong ginagawa. Matapos ang ilang buwan na wala akong makita kung hindi dilim, pakiramdam ko ay nawala na ang lahat sa akin.

Bumalik ang paningin ko pero hindi ang anak ko.

Kung alam ko lang na mas masakit 'yon, sana hindi ko na lang hiniling pa na makakita ulit.

Hindi lang naman ang pagkawala ng anak namin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito e.

Nasasaktan ako dahil nakikita ko kung gaano siya kahandang bitawan ang lahat para sa akin.

He could lose his dream because of me... At ayaw ko na mangyari 'yon. Matagal niyang pinaghirapan na makuha ang pangarap niya. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit handa siyang bitawan ang lahat para sa akin kahit na hindi ko man lang nagawang proteksyunan ang anak naming dalawa?

"Here, Sunny... Kumain ka na tapos uminom ka na ng gamot mo. I'll prepare your water na para makaligo ka after," mabilis siyang umakyat papunta sa kwarto naming dalawa at tanging ang tunog na lang ng pagbukas at pagsara ng pinto ang narinig ko.

Mas nakakabingi pala ang katahimikan.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang smiley face na nakadrawing sa gilid ng plato ko gamit ang chocolate syrup.

Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]Where stories live. Discover now