NINETEEN
"Akala ko ba lupa lang, bakit may bahay!?" nakapamewang ako at nakataas ang isang kilay na nakatingin kay Heeseung. Kaagad naman siyang umakbay sa akin matapos ibaba ang maleta namin sa isang tabi.
"Hush... You're so loud, baby. This is not the land I bought. I rented this house para may matuluyan tayo habang nandito sa Jeju," palusot nito.
Napairap ako at ibinagsak ang sarili sa sofa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nakikita ko ang lalaking 'yan! Paano ba naman, binigla ako kagabi! Ang sarap-sarap na ng tulog ko tapos gigisingin ako para sabihing may flight kami papunta dito sa Jeju!
Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi natutulog ako? Respeto naman. Char!
"Tss... Bakit ba kasi kailangan dalhin mo pa ako dito siraulo ka pwede namang next year na kapag lumabas na 'tong anak natin or after ng kasal--" napatakip ako sa bibig ko nang marealize ko ang sinabi ko.
Tila sinundot naman siya sa puwet at kaagad na lumapit sa pwesto ko. His arms are clinging into my arms at nag niningning ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Are you accepting my proposal?" hinawi ko ang mukha niya papalayo sa akin at tsaka siya tinawanan. "Utot mo, Heeseung. Kasal nila Samantha ang sinasabi ko. 'Di mo muna kasi ako patapusin eh," napasimangot naman siya at parang batang humalukipkip sa dulo ng sofa. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil sa reaksyon niya.
Parang noon kay Samantha niya lang ipinapakita ang ganitong side niya tapos ngayon, ako naman ang binabaliw niya sa pagpapa-cute niyang 'yan.
"Are you sulking? You look cute, let me take a picture," pang-aasar ko sakan'ya at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Hindi siya gumalaw at hinayaan lang akong kuhanan siya ng litrato habang masama ang tingin sa akin.
"Lagyan ko kaya ng deadline yung sagot mo para sa proposal ko?" wala sa sariling sambit niya kaya napailing ako at lumapit sakan'ya. I gave him a peck before clinging into his arms.
"Sorry..." napatingin siya sa akin at marahang hinaplos ang buhok ko. "It's okay, I'm just kidding, love. Patola ka rin e," this time, ako naman ang sumimangot dahil sa pang-aasar niya. He pinched my cheeks before hugging me, cautiously squeezing my body.
"How's the place? Okay lang ba sa'yo na dito na tayo magpagawa ng bahay sa Jeju?" napahiwalay ako sa yakap niya at bahagyang nag-isip.
Wala naman akong magagawa, nakabili na siya ng lupa.
Itong utak ng isang 'to parang masyadong sabaw para sa isang abugado. Kung kailan nakabili na siya ng lupa at tsaka hihingi ng opinyon ko! Paano kung hindi ko nagustuhan? Edi para lang siyang nag sayang ng pera.
YOU ARE READING
Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]
FanfictionDaddy Series #02. LHS ── ❝ I'm sorry for all the pain you had to endure while loving me... ❞ revising @takonikii2022