THIRTEEN
Sunny Nicole's POV
Sobrang bilis na nagdaan ang oras. Isang linggo na kaagad simula nang matapos ang anniversary naming dalawa ni Heeseung at pagkatapos din ng araw na yun, wala na ulit siyang pake sa akin.
Kakausapin niya na lang ako kapag tungkol sa anak namin, sasabayan niya lang akong kumain para sa anak namin. Pero hindi katulad noon, hindi na kami gaanong nagsisigawan at nagbabatuhan ng mga masasakita na salita. Malimit na rin uminit ang ulo niya sa akin.
Baka natauhan na siya o di kaya nabuhay talaga ni Hyunsuk ang kunsensya niya.
"Wala pa ring text?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong kanina pa siya tingin ng tingin sa cellphone niya.
Kasalukuyan kasi kaming nanonood ng movie at kanina pa siya silip ng silip sa cellphone niya. Ngayon tuloy parang napapaisip ako, siguro alam niya na ngayon ang pakiramdam ko sa tuwing uuwi siya ng late o hindi kaya ay hindi magrereply sa akin sa tuwing magtetext ako.
"Huh? Sino?"inosente nitong tanong ngunit malungkot ang mga mata bago muling pinailaw ang cellphone niya at bagsak ang balikat na ibinalik ito sa bulsa ng pants niya.
"Huwag kang mag-alala, magrereply din yun" pangungumbinsi ko sa kanya pero wala na akong natanggap na sagot mula sakan'ya.
Napangiti na lang ako ng mapait dahil naalala ko nanaman noong panahong nagpapamiss ako sa kanya at hindi nagreply sa message niya noon kahit urgent pa. Sinigawan niya ako sa harap ng maraming tao, pinahiya niya ako pero kapag yung babae niya, handa siyang maghintay kahit gaano katagal.
wala na akong magagawa.
Mahal niya eh.
"It's been 1 week, hindi pa rin siya nagrereply" mahinang sambit niya sa akin na ikinagulat ko.
Halata ang lungkot sa boses niya, para siyang ibang tao ngayon. Halata na rin na miss niya na ang girlfriend niya.
Pero sinabi niya bang one week? Bakit naman hindi nagrereply sa kanya ng one week yung babae niya? Hindi naman sa sinusuportahan ko siya sa pambababae niya ah? Ang sa akin lang naman, bakit kailangang harap-harapan pa niyang ipamukha na parang wala siyang asawa?
Alam kong walang kasiguraduhan lahat ng sinabi ni Jihoon sa akin... Pero kung totoo man 'yon, bakit niya ginawa?
"Ayos ka lang, Sunny?" tanong niya sa akin nang mapansin niyang tulala ako at malalim ang iniisip. Nginitian ko lang siya at tumango.
"Oo naman, bakit naman ako hindi magiging okay?" nag-aalangan na sabi ko pero pinipilit pa rin itago na balisa ako at hindi pa rin mapakali dahil patuloy na nagp-play sa utak ko ang lahat ng sinabi ni Jihoon.
YOU ARE READING
Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]
FanfictionDaddy Series #02. LHS ── ❝ I'm sorry for all the pain you had to endure while loving me... ❞ revising @takonikii2022