FIFTEEN
Sunny Nicole's POV
dedicated to _polyyglots_"Dito tayo!" tinuro ko ang isang ride na gusto kong sakyan pero nakita ko lang ang pagngiwi niya bago umiling.
"Huwag diyan. Delikado yan" pagpuna nito bago naunang maglakad kaya napanguso ako at hinabol siya para pilitin na sumakay sa ride na iyon. Yung pasensya ko sa kanya para load ko, ubos na ubos na! Palagi na lang siya ang nasusunod sa sasakyan naming rides! Nakakaimbyerna!
"Dali na kasi Heeseung, kanina ko pa gustong sakyan yon eh! Kanina ka pa nasusunod sa--" huminto siya sa paglalakad kaya nauntog ako sa likod niya dahil ang buong atensyon ko ay naroon lang sa ride na kanina ko pa gustong sakyan.
Mukha kasing masaya tsaka sa tuwing kasama ko noon si Jihoon, iyon yung una naming sinasakyan.
"Sunny kapag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede okay? Baka nakakalimutan mong buntis ka? Gusto mo pang mapaanak ka ng hindi oras dyan sa ride na yan pag sumigaw ka" aksyon niya kaagad dahil mukhang hindi talaga siya sang-ayon sa kagustuhan ko.
"Hindi ako sisigaw!" asik ko sa kanya pero umiling lang siya bago ako tiningnan ng seryoso.
"No" hinila niya na ako papalayo doon kaya buong oras ay nakasimangot ako. Ayaw pa kasi akong pagbigyan, iyon lang namam yung hinihiling ko punyeta!
"Baka kaya naman natatakot ka lang kaya ayaw mo?" tinaasan niya ako ng kilay dahil sa sinabi ko sakanya. Akala niya ha.
Hindi niya ako maloloko, alam kong duwag siya sa mga rides kaya imposibleng iyon lang ang dahilan kaya ayaw niyang sumakay. Ako pa lolokohin niya? Aba, Sunny Nishimura ata 'to, mas matalino pa ako sa matsing.
"What did you just say?" pikon na sabi niya kaya ngiting tagumpay ako ngayon. Mukhang umaayon na ang lahat sa plano ko.
"Sabi ko duwag ka" binelatan ko siya tsaka naunang maglakad. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa kung saan ako pupunta. Hindi ko siya pinansin kahit na nararamdaman ko ang presensya niya sa likod ko, bahala siya dyan. Ayaw niya akong pagbigyan kaya hindi ko siya papansinin hanggang bukas.
Oo hanggang bukas lang, baka nga hindi pa umabot hanggang bukas dahil alam kong kaunting lambing lang niya, bibigay ako. Tangina lang talaga.
Ang rupok rupok ko.
Habang naglalakad ako ay biglang may grupo ng lalaking humarang sa harap ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
YOU ARE READING
Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]
FanfictionDaddy Series #02. LHS ── ❝ I'm sorry for all the pain you had to endure while loving me... ❞ revising @takonikii2022