TWENTY-TWO
💌: For
'Sa araw na ito, sisimulan ko at isusulat muli ang kwento natin sa pagbabakasakali na baka muling magtagpo ang ating mga puso sa bawat paglipat ng pahina sa bagong libro.'
LEE HEESEUNG
"Patayin mo na yung apoy!"
"Bobo kasi sinunog"
"Hotdog na nga lang lulutuin mo sinunog mo pa. Para kang 'di nag-grade 2!"
Sa ikalimang pagkakataon, tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas sa kwarto para bumaba sa kusina at ayusin ang kumosyon na nagaganap dito.
"Ilang beses ko pa ba kailangan bumaba para matigil kayo sa pagbabangayan, Sunoo at Jungwon?" nakapamewang na sambit ko habang nakasilip sa bukana ng kusina. Nakatingin lang silang dalawa ng masama sa isa't-isa habang patuloy na hinayaan ang umuusok na kawali. Mabilis akong pumunta sa gitna nila at pilit na pinatay ang apoy.
"Susunugin niyo ba 'tong bahay?" kalmadong tanong ko pero halata ang inis sa tono ng pananalita. Sabay silang napayuko at bumulong ng 'sorry, hyung' habang ako naman ay napapikit na lang ng mariin, sinusubukang pakalmahin ang sarili.
"We're just trying to prepare your favorite breakfast, hyung," pagpapaliwanag ni Jungwon at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Kung alam ko lang na tukmol mag-luto 'tong si Jungwon, sana si Jay hyung na lang ang inabala ko!" inirapan ni Sunoo ni Jungwon na handa nang ipukpok ang hawak nitong spatula sa ulo ng isa pero kaagad ko rin itong napigilan.
"Look, I really appreciate your efforts... Pero sana huwag kayong masyadong nag-aaway at nagsisigawan dahil nawawala ako sa focus. Marami pa akong papers na kailangan basahin bago pumunta sa firm," mahabang pagpapaliwanag ko at tumalikod na para sana bumalik na sa taas nang biglang magsalita si Sunoo.
"Simula nung umalis s'ya, parang nawala na rin yung Heeseung hyung namin," nahagip ng mga mata ko ang picture frame namin ni Sunny noong mga bata pa kami.
Pitong taon na rin pala.
Pitong taon na simula nang umuwi akong wala na akong asawa.
Pitong taon na simula nang iwan niya ako.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman matapos ang pangyayaring iyon.
Ginawa ko naman lahat, 'di ba?
Ginawa ko lahat para hindi niya ako iwan kahit na alam kong wala na ang anak naming dalawa.
"Aakyat na ako," hindi ko siya sinagot at akmang itatapak na ang isang paa ko sa hagdan nang muli siyang nagsalita.
YOU ARE READING
Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]
FanficDaddy Series #02. LHS ── ❝ I'm sorry for all the pain you had to endure while loving me... ❞ revising @takonikii2022