Chapter Sixteen

837 100 169
                                    

💌: For NISHIW0NSIXTEEN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

💌: For NISHIW0N
SIXTEEN

Sunny Nicole's POV

Tahimik akong nakatingin sa bintana ng kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali dahil sa sinabi ni Heesung. Idagdag mo pa yung fact na nagpaalam siya sa akin kaninang umaga na may kailangan pa daw siyang gawin sa firm. Hindi ko lang alam kung nag-sasabi siya ng totoo pero bahala na siya sa buhay niya. Malaki na siya para pakialaman ko pa.

Pero kahit ganon, hindi oonpa rin maiwasang magtampo dahil nangako siya na lalabas kami ngayon at sasamahan ako na magpacheck up sa OB gyne ko.

Anong magagawa ko? Biglaan lang din daw.


"Saan ka pupunta?" tanong ni Heeseung nang mapansin niyang palabas na ako ng bahay at maayos ang gayak. Aba, akala niya ba siya lang ang pwedeng umalis?

"Mall" walang ganang sagot ko bago kinuha ang sandals ko tsaka iyon isinuot. Kumunot naman ang noo niya habang pinagmamasdan akong suotin ang sapatos ko.

Oo alam kong maganda ako pero kailangan pa ba niya akong titigan para ipamukha na maganda ako?

"Pupunta din kami doon ni Jeno mamaya, I can buy whatever you--"

"Heeseung alam kong buntis ako at 4 months pa lang naman ito kaya hindi mo kailangan mag-alala. Kaya ko na ang sarili ko... At tsaka isa pa, hayaan mo muna ako," malamig na sabi ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit ko rin ginawa iyon, baka dala iyon ng pagbubuntis ko at ng pagod ko.

Alam kong hindi ko dapat iyon ginawa sa kanya at alam kong mali ang naging pakikitungo ko pero kasi sa tingin ko iyon ang makabubuti para sa aming dalawa sa ngayon.

Oo mahal ko siya at masaya ako dahil unti-unti na naming naibabalik yung dati. Pero ngayon kasi iba ang sitwasyon, hindi niya lang ako gusto bilang isang kaibigan. Gusto niya na ako bilang isang babae at ang malala, may mahal siyang iba.

At alam ko sa sarili ko na hindi ako iyon.

Bakit ba kasi ang kumplikado ng buhay namin?

Bakit hindi na lang ako?

May asawa na si Samantha at malinaw naman sakan'ya iyon...

And I think things will get worst if hahayaan kong matuloy ang kung ano mang nararamdaman niya.

Oo tatay siya ng dinadala ko, pero gusto ko munang makasiguro. Gusto kong siguraduhin muna ang nararamdaman niya bago ako magpakasaya dahil malaki ang possibility na baka nalilito lang siya dahil ako ang kasama niya.

Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]Where stories live. Discover now