Sunny Nicole's POV
Kanina pa kaming dalawa ni Heeseung tahimik sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho siya pabalik sa bahay namin.
Napag-usapan kasi namin kanina ang lahat ng mga bagay na gusto niya at ganun na rin ang kundisyon ko kaya pinilit niya ako na mag-stay na lang sa bahay namin.
Naguilty ata ang loko.
Pero kung tutuusin, hindi niya naman ako dapat pinakikiusapan na tumuloy doon dahil unang-una, may karapatan akong mag-stay sa bahay na iyon dahil sa AMIN iyon ni Heeseung.
Parang ang nangyari pa ata, ako ang walang karapatan sa bahay ah? Porket umalis ako parang ako pa yung may kasalanan. Tangina lang
Nakakatangina lang.
"I'm glad that okay lang sa'yo na mag-stay ka sa bahay" plain na sabi nito bago iniliko ang sasakyan kaya kaagad na nalukot ang mukha ko.
Tangina ha? So bakit parang siya pa ang batas? Bahay ko iyon? Bigay iyon sa amin ng daddy namin kaya bakit parang ipinapalabas niya pa sa akin na ayaw ko doon? Eh siya naman ang dahilan kung bakit ako umalis ng bahay namin e.
"Oh talaga?" kunwaring walang pakielam na sambit ko habang nakatingin sa bintana ng sasakyan kahit na ang totoo ay balisa na talaga ako dahil sa mga kaganapan.
Kung hindi ko lang talaga mahal 'tong si Heeseung, matagal ko na sanang iniwan 'to e.
Kaso, mahal ko siya eh.
"Napag-usapan naman na natin 'to, 'diba?" halatang frustrated na sabi niya.
Oo nga, napag usapan na namin na titir ako ulit kasama niya at aalagaan n'ya ako pati ang anak naming dalawa. Malinaw na rin sa akin na ginagawa niya lang ang lahat ng 'to para sa magiging anak naming dalawa. Wala na rin naman akong pake kung mamahalin niya pa ba ako o hindi.
Sapat na sa akin yung panindigan niya yung anak naming dalawa.
Kahit papaano pala, may natitira pa ring awa at kahihiyan sa katawan niya. Akala ko naging bato na talaga siya nang tuluyan, eh.
"Bumaba ka na, I'll get your stuffs na lang. Magpahinga ka na" aambit niya nang mapatay niya na ang makina ng kotse.
Nandito na kaagad kami sa bahay? Ang bilis naman ata? Oh well, baka nag-shortcut siya. Ang gala rin ng isang 'to eh, alam na alam kung saan ang daan.
Bababa na sana ako sa sasakyan nang biglang magsalita si Heeseung. "And Sunny, please don't assume na ginagawa ko 'to dahil magkakaroon ng chance na magustuhan kita. Ginagawa ko lang 'to para sa magiging anak nating dalawa kaya sana, malinaw na sa'yo"
Ginagawa ko lang 'to para sa magiging anak nating dalawa...
Ginagawa ko lang 'to para sa magiging anak nating dalawa...
Ginagawa ko lang 'to para sa magiging anak nating dalawa...
Tuluyan na siyang bumaba ng sasakyan leaving me alone inside the car. To be honest, it hurts. Sino bang hindi masasaktan kung ang taong mahal mo, sabihin sa'yo ng face to face na hindi ka niya mahal?
Parang paulit-ulit tuloy akong sinasaksak ng reyalidad na kaya lang niya ako pinakasalan dahil gusto ng magulang namin. Parang unti-unti na ring nabubuhay yung takot ko na baka isang araw, matapos na 'tong fairytale ko with him. Na baka dumating na yung araw na kailangan niya na akong hiwalayan dahil hindi naman talaga ako ang mahal niya.
Pero kahit na ganun, may parte pa rin sa akin na hinihiling na sana hindi niya maisip ang bagay na iyon... dahil ayaw kong lumaking miserable ang buhay ng anak ko. Ayaw ko na habang lumalaki siya, isipin niya na bale wala lang siya sa tatay niya.
YOU ARE READING
Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]
FanfictionDaddy Series #02. LHS ── ❝ I'm sorry for all the pain you had to endure while loving me... ❞ revising @takonikii2022