ELEVEN
Sunny Nicole's POV
Nagising ako dahil sa kakaibang amoy na naamoy ko. Hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling pero ang alam ko lang, gutom na ako.
Punyeta, ang aga-aga tinatakam ako. Ano nanaman bang niluluto ng siraulong yun?
Sinuot ko ang tsinelas ko tsaka dumiretso sa kusina dahil sinundan ko ang amoy na nakapagpabangon sa akin. Siguraduhin lang niya na masarap yan, kung hindi nako!
"Ano yan?"
"Aray!" mukhang nagulat si Heeseung sa presensya ko kaya nabitawan niya ang takip ng rice cooker na siyang bumagsak naman sa paa niya.
Pfft.
Clumsy.
"Aist, bakit ang aga mo magising?" tanong niya at pinulot ang takip ng rice cooker. Nakita ko pa ang pamumula ng paa niya pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Bahala siya dyan, inis pa rin ako dahil sa ginawa niya.
Puro sama ng loob na lang naiipon ko sa tuwing kasama ko siya. Idagdag mo pa yung fact na hindi ako maka-level 5 sa flappy bird. Kingina.
"Bakit maaga ako nagising? Malamang naamoy ko 'yang niluluto mo. Gutom na kami ni baby eh. Ano ba yan?" tanong ko at sinilip ang kawali ngunit bago ko pa man tuluyang makita ang niluluto niya, humarang na siya kaagad.
Psh. Kj.
"Hindi mo pwedeng makita!" bulalas niya na ikinagulat ko.
Aba tarantado 'to?! Bakit naman hindi? Pati pagkain ba naman ipagdadamot na rin sa akin? Hindi na ata 'to makatarungan?
"Bakit hindi? Dali na, pasilip lang kasi!" pangungulit ko pa habang hinihila ang laylayan ng hoodie na suot niya.
Iritado naman niyang tinanggal ang kamay ko sa hoodie niya bago gumilid para bigyan ako ng way. Dumiretso ako sa tapat ng kalan at sinilip ang niluluto niyang hotdog...
Na sunog.
Eh?
Kulay uling yung kabilang side nito.
"Tsk. Dapat isusurprise kita since anniversary naman natin ngayon pero maaga kang nagising. Uulitin ko dapat 'yan kasi nasunog--"
Hindi na siya natapos na magsalita nang tusukin ko na ng tinidor ang isa sa mga luto ng hotdog.
Masarap naman ah?
YOU ARE READING
Perks Of Being Mrs. Lee [Daddy Series #02]
FanfictionDaddy Series #02. LHS ── ❝ I'm sorry for all the pain you had to endure while loving me... ❞ revising @takonikii2022